Napat4y Na Aide Ni Atty. Glenn Chong, Tin0Rture Muna Bago Niratrat Sa Sasakyan

Nagbigay ng panayam si Atty. Glenn Chong ukol sa kaso ng pagkamat4y ng kanyang malapit na kaibigan at close-in aide na si Richard Red Santillan. Sa isang tila dokumentasyon, inupload ang video sa isang Facebook na ginawa para sa adbokasiyang mahanap ang hustisya para sa biktima. Sa Richard Santillan-Glenn Chong Tuloy Ang Laban Facebook page, naipapabatid at madaling naisasapubliko ang mga development sa kaso.

Sino Si Richard Santillan?

Inilarawan ni Atty. Glenn Chong si Richard Santillan hindi lamang bilang kanyang bodyguard ngunit bilang isang kapatid. Ito ang tao sa likod ng dating Congressman mula sa mga napakaliit na bagay at hanggang sa pag-iingat nito sakanya at seguridad niya. Sa madaling salita, naging dependent ang election fraud whistleblower sakanya. Kaya naman ngayon ay hindi titigil si Atty. Glenn na mahanap ang tunay hustisya para sa kanyang tapat na empleyado.

Mga Butas Sa Spot Report

Ibinahagi ng dating kongresista ang mga nakita nitong butas sa spot report na mula sa Cainta police na syang dapat bigyan ng konkretong ebidensya ng mga sangkot sa kaso. Una ay ang sinasabi nito na isa ito sa mga Highway Group boys na kilala bilang carnapper at holdaper. Ikalawa, ang mga nakuhang dr4gs at mga baril mula sa sasakyan, kasama na ang granada. Ikatlo, ang kakulangan sa autopsy report na inilabas ng PNP. Ayon dito, hinihinalang si Richard ay tinortÚre muna bago ilagak sa sasakyan bago ratratin ang sasakyan.

Napag-alaman nila na may mga tama sa katawan ang biktima na imposibleng makuha sa pamamagitan ng pagbaril. Nawala din ang kuko nito sa paa na syang mas imposibleng mangyari kung nagkaroon ng engkwentro. Dagdag pa ay ang timing ng oras bago ang engkwentro.

Mga Kahina-hinalang Kilos Mula Sa Mga Pulis

Sa salaysay ni Chong, nang maipaliwanag nito ang mga butas sa spot report ay may lumapit na pulis sa kanya at kinukuha ang mismong spot report at nagsabing ipapaxerox ang mga dokumento. Nakatunog naman ang abogado na posibleng burahin nila ito para malinisan ang kanilang kalat. Kaya naman sinabi nito sa pulis na sya ang magxexerox upang masiguro na wala silang gagawin na tampering sa papeles. Ngunit tumanggi ang nasabing pulis.

Dagdag pa aniya, hiningi nya sa hepe ang lahat ng dokumento at ebidensya mula sa kapulisan at minaraapat na papirmahan sa hepe upang sertipikasyon na lahat ng nasasaad sa dokumento ay tama at katotohanan. Ngayon ay sasailalim ang katawan ni Richard sa isang autopsy na papangunahan ni Erwin Erfe at Atty. Acosta. Para kay Chong, ito ay isang saLv4g3 operation.

Hindi Pinaalam Sa Pamilya Ang Pangyayari

Ang nakakalungkot na parte ng kwento ay nang ihayag ni Chong na lumipas ang 16 na oras bago pormal na sabihan ang pamilya ni Chong tungkol sa nangyari kahit pa man may identification ID na nakuha sa gamit ng biktima. Nalaman lang ng pamilya ang insidente dahil sa isang anonymous tipster.

TULOY ANG LABAN, RICHARD

TULOY ANG LABAN RICHARD. This time brother, I will serve you.

Posted by Richard Santillan – Glenn Chong, Tuloy Ang Laban on Thursday, December 13, 2018

Ito naman ang komento ng mga kababayan natin tungkol sa pagbubunyag ni Atty. Chong.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *