Neri Colmenares, Nagpasalamat sa Ginawang Survey! Nangunguna siya sa Magic 12

Ang human rights lawyer na si Neri Colmenares ay muling nakatikim ng mga pambabatikos ng mga netizen sa nakaraang post nito sa Facebook. Katulad ng ibang mga pulitiko at tumatakbo sa halalan ay subsob ito sa pgbabantay ng mga survey o pulso ng bayan, paraan pala malaman kung isa ba ang kanyang pangalan sa mga nangunguna sa listahan. 

Nangunguna Sa Survey 

Kamakailan lang ay nagpost ang dating representante ng Bayan Muna ng isang survey na kung saan ay nangunguna ang pangalan ni Colmenares sa mga napupusuan ng mga tao na manalo sa darating na Halalan sa Mayo. Kasama nito sa tinatawag na Magic 12 ay ang mga kilalang tumatakbong pulitiko na sina Gary Alejano, Bam Aquino, Grace Poe, Willie Ong, Florin Hilbay. Pumapangalawa naman sa listahan ay si Mar Roxas.

Dilawan Pasok Sa Magic 12 

Kapansin-pansin naman para sa mga netizen na tila mga kritiko ng pangulo ang mga nangunguna sa inilabas na survey. Sa ibabang parte ng larawan ay nakasaad na ang survey ay isinagawa sa Twitter noong ika-7 hanggang 9 ng Enero. Ang survey na ito ay isinagawa ng @Halalan2019 Twitter user.

Saad ng human rights activist sa kanyang post, 

“Maraming salamat sa mga lumahok sa survey ng #Halalan2019! Here’shoping we can move from social media to the ground and tell more voters who aren’t online that these are they people that they should vote for.”

Inulan Ng Pambabatikos

Bagaman ay inulan ng batikos at panggigisa mula sa mga netizen ang Bayan Muna former representative, may mangilan din na nagpahayag ng pagsuporta dito. Ayon sa maraming netizen, hindi diumano nila papayagan na may makapasok na isang representante mula sa Partido Liberal. Anila ay sila ang mga sinasabing front liner ng mga rebeldeng NPA. 

May isang netizen naman na naglabas ng tunay at lehitimong survey ukol sa Top 12 sa nalalapit na halalan. Ito ay pinangungunahan ng doktor na si Willie Ong, Bato dela Rosa, Bong Go, Larry Gadon, Glenn Chong, Harry Roque, Rafael Alunan, Imee Marcos, Cynthia Villar, Pia Cayetano, at Juan Ponce Enrile. Ang survey na ito ay base sa Social Media 2019 Senatorial  Survey na isinagawa noong Enero 1-9. 

Maraming salamat sa mga lumahok sa survey ng #Halalan2019! Here's hoping we can move from social media to the ground and…

Posted by Neri Colmenares on Wednesday, January 9, 2019

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin sa post ni Neri Colmenares.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *