Netizen, Kinwestyon ang Mabilis na Pagtulong ni Arnell Ignacio kay Sheerlyn Gerasta

Isang netizen ang nagpabatid ng kanyang saloobin ukol sa mabilis na pagpapauwi kay Sheerlyn Gerasta dahil diumano sa ginawa nitong pangangaliwa sa Saudi. Matatandaang inabangan ng taumbayan ang paghingi ng tulong ni Charlie at 5 anak sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan ito na mapabalik sakanya ang asawang si Sheerlyn na nagkaroon ng karelasyon sa Saudi. 

Hinanakit Ni Pobring Maganda 

Mabilis na napauwi ang ginang sa pagtutulungan nina Raffy at Arnell Ignacio, OWWA Deputy administrator.  Ngunit sa kabila nito ay may mga netizen na hindi kumbinsido sa nagawang pagtulong at mabilis n pagpapauwi kay Gerasta. Isang Facebook page n pinatapatakbo ng isang OFW na nagtatago sa pangalang “Pobring Maganda” ang nagbigay ng saloobin para sa OWWA.

Sa post nito, 

NETIZEN: “Mabuti pa Si #Sheerlyn_Gerasta…..!Nagkabit lang Agad2x na pauwie with sundo ng OWWA my kabuhayan showcase pa.” 

Dagdag nito, 

“Dapat pala sa mga minamaltrato, rape , kinukolong hindi pinapakain, pinatulog sa labas , walang sapat na sahud , Nagkabit din muna para special treatment” 

Mensahe Para Kay Arnell Ignacio 

Kinwestyon din nito si Arnell Ignacio sa ginawang pagsalubong ng napauwing viral na OFW. 

“It’s so UNFAIR Mr. Arnel Ignacio ng OWWA! dati galit na galit ka at ngayun ikaw pa mismo ang SUMONDO at May payakapyakap kapa! Ano ibig sabihin nyan!? Pakisagut po.” 

Ayon sa netizen, napakadaming OFW ang ngayon ay nanghihingi ng tulong mula sa OWWA. Marami sa kanila ang taon na ang inaabot para lang makakuha ng tulong mula sa gobyerno ngunit sa kaso ni Sheerlyn Gerasta ay napauwi agad ito sa isang pitik lang. Dapat aniya ay maging pantay ang trato sa bawat OFW sa panahon ng pangangailangan. Disin sana diumano ay lahat sila ay ginawa ang ginawa ni Sheerlyn upang mapabilis ang pag-uwi. 

Pagbibigay Linaw Ng Isang Netizen 

Bagaman may mga sumang-ayon sa pahayag ni Pobring Maganda, may mga netizen din naman na nagtanggol sa nasabing aksyon ng OWWA. Ayon sa kanila, kung nasubaybayan ng mga ito ang kaso ni Sheerlyn, binanggit aniya na nasa extension phase ng kontrata na ang ginang. Ang ginawa lamang ng OWWA ay nakipag-cooperate sa ahensya ni Sheerlyn at sa employer nito na nagprisinta na ito ang bumili ng ticket at tuluyan na pauwiin ng Pilipinas. 

Dagdag pa ng iba, ang Raffy Tulfo ay marami nang natulungang OFW. Hindi ito aniya pumapalya sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang OFW dahil ito ang kanyang prayoridad. 

Ang Post

Mabuti pa Si #Sheerlyn_Gerasta…..!Nagkabit lang Agad2x na pauwie with sundo ng OWWA my kabuhayan showcase pa………..

Posted by Pobring maganda on Thursday, January 17, 2019

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *