Netizen, Taos-Pusong Nagpapasalamat sa isang Grab Driver na Nagsugod sa Kanyang anak sa Ospital

Sa dinarami-rami ng mga balitang banta sa seguridad sa ating bansa, tila nagiging negatibo ang pananaw ng mga tao sa kung ano ang mundo. Ganunpaman, sa pagtatapos ng bawat araw ay nananatiling nangingibabaw ang kapayapaan at ang kabutihan. Iyan ay napatunayan ng isang good samaritan na grab driver.

Grad Driver Na Good Samaritan

Sa isang Facebook post ng netizen na si Anjo Rowell, ibinahagi nito ang kanyang karanasan sa isang grab driver na si Ellys Ramos Bacar.
Minamaneho ni Bacar ang sasakyan na may plakang BOJ 387.

Nanawagan si Rowell sa grab driver na si Bacar dahil sa kusang loob na pagtulong nito sa kanila noong mga oras na nangangailangan sila. Ayon sa kwento ni Anjo, noong gabi ng ika-2 ng Disyembre ay nag-book sila ng grab car upang isugod sa ospital ang kanyang anak na nangingitim na ang mga kuko dulot ng sobrang taas na lagnat. Habang nasa daan ay nirequest nilang magpalit ng ruta at magpunta na lamang sa Providence Hospital sa Quezon Avenue imbis na sa FEU. Sinabi diumano ng driver,

“Sige po walang problema.”

Nailigtas Ang Bata

Muli namang nakiusap ang pamilya ni Anjo na pakibilisan ang pagmamaneho dulot ng emergency. Sinunod naman ito ng drive. Hinazard nito ang sasakyan at mabilis silang pinagmaneho. Dumaan din sila sa mga shortcut at sa mga daan na hindi traffic upang maagang makarating sa ospital. Sa loob lamang ng 30-45 minutes ay nakarating sila ng matiwasay sa ospital mula sa North Caloocan. Ayon kay Rowell, pilit nitong inaabutan ang driver ng 500 pesos upang makabayad man lamang ito kahit pang-gas ng mabuting samaritano ngunit tumanggi ito at sinabing gamitin nalang panggastos sa kanilang anak ang pera.

Para sa pamilya ni Rowell, tila isang anghel na hatid ng Panginoon sakanila ang nasabing grab driver. Pagkalapag nila sa ospital ay napag-alaman nila ang kondisyon nito na under anaphylactic shock na ito. Binigyan ng epinephrine, steroids, at oxygen ang kanilang anak. Buong pusong nagpapasalamat ang pamilya ni Rowell dahil madaling naisugod ang kanilang anak sa ospital, at iyon ay dahil kay Bacar. Mensahe ni Anjo kay Elly,

“Dahil sayo boss nailigtas ang buhay ng anak ko!”

Taos-pusong Pasasalamat

Abot langit ang pagbatid ng pasasalamat para kay Bacar. Hiling nito ay pagpalain at gabayan ng Diyos ang mabuting samaritano. Pinuri ng mga netizen ang nasabing grab driver.
Ayon sa mga ito, nananatiling madami pa ding mabubuting tao ngayon. Itinuturing na isang bayani si Bacar.

Ang Viral Post

“Shout out po para kay Sir ELLYS RAMOS BACAR ng Grab! Plate number BOJ387

Kami ung sumakay sau nung December 2 2018 past 10pm. nagbook kami bound to FEU kasi ung panganay ko nangingitim na ung kuko sa taas ng lagnat. on our way nagrequest kami ng change route to Providence Hospital sa Q.Ave. sabi nyo “Sige po walang problema” paki usap pa namin kng pde ung pinaka mabilis na route kasi Emergency. agad ka nag sign ng hazard at mabilis mo kami dinala sa Providence Hospital. In a matter of 30-45mins. from North Caloocan to Q.Ave nagawa natin. inabutan kita ng P500 pero ayaw nyo tangapin. sabi ko “sige na Sir pang gas nyo nlang po” sagot nyo sakin ” sige na po gamitin nyo nlang sa anak nyo” Isa kang Angel na pinadala samin ni God nung gabing yun.

Pag dating namin sa ER, under ANAPHYLACTIC SHOCK na pala anak ko, nag epinephrine agad, oxygen at steroids… naging mahaba ang gabing yun para samin. Dahil sau boss nailigtas ang buhay ng anak ko!

Sir Taos puso kaming nagpapasalamat sau. Naway gabayan ka ng Diyos at bigyan ka pa ng Maraming Blessings! God Bless You!

Kung may nakakakilala po sa kanya paki sabi MARAMING MARAMING SALAMAT!”

Shout out po para kaySir ELLYS RAMOS BACAR ng Grab!Plate number BOJ387Kami ung sumakay sau nung December 2 2018 past…

Posted by Anjo Rowell on Wednesday, December 5, 2018

Ito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga kababayan natin.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *