Nurse Na Tumulong Magpaanak Sa Isang Taong-grasa Sa Kalye, Inulan Ng Papuri

Isang taong-grasa ang kamakailan ay biglang nanganak sa lansangan. Namataan ito ng mga tao sa paligid na halos nakalabas na ang anak nito. Isang batang nurse ang agad na umaksyon sa taong-grasa na nasaktuhang nasa parehong lugar. 

Viral Video Ng Isang Nurse 

Tinulungan nito ang taong-grasa na makapanganak nang maayos sa kabila ng sitwasyon nito. Ang mga tambay sa paligid ay tumulong din sa dalaga. Nakilala ang nurse bilang si Dearest Ferry Lachica. Ang viral video na inupload ng Facebook page na Koalisyon Kontra Krimen ay nagpapakita kung gaano ka-alerto at kakontrolado nito ang sitwasyon. Ipinakita ang dedikasyon ng nurse sa nasabing sitwasyon. 

Biglaang Panganganak 

Nangyari ang hindi inaasahang panganganak ng taong-grasa sa tapat ng bahay ng isang residente na si Lillia Layson sa Maynila. Maririnig din ang mga tao sa paligid na tulong-tulong sa pagbibigay ng mga kailangan ng nurse habang ang iba naman ay lubos ang pag-iingat sa ginang at sa sanggol nito. Mariringgan din ang iba na dadalhin umano ang sanggol sa pinakamalapit na ospital at DSWD dahil sa sitwasyon ng nanay nito. 

Bumuhos Na Papuri Para Kay Lachica 

Inulan ng papuri ang mga taong buong lugod ang pagtulong sa taong-grasa partikular na sa nurse na si Dearest Ferry. Saludo ang mga netizen kay Lachica at sa lahat ng katulad nito.

Hiling nila ay sana taasan ng gobyerno ang sahod ng mga ito katulad ng nga guro at militar. Kinabiliban ito sa taglay nitong lakas ng loob at walang patumangging pagtulong sa nangangailangan nang walang hinihinging kapalit. 

Good Samaritan 

Ang mundo ay nananatiling puno ng mga mabubuting tao. Sila ang mga buo ang loob at handa ang mga kamay na tumulong sa mga nangangailangan. Sa ating bansa na puros karahasan ang nakikita, nananatiling may mga mabubuting puso sa paligid. Isa lamang si Lachica sa milyong mga Pilipino na hangad ay mabuti sa kapwa. Nawa ay dumami pa ang katulad nya, hindi lamang nurse kundi mula sa kahit ano pa mang estado ng buhay. 

Buhay Nurse

Ang propesyon bilang nurse ay hindi lamang natitigil sa loob ng apat na sulok ng ospital. Ito ay isang sinumpaang dedikasyon na tumulong at magligtas ng mga buhay nang walang pag-iimbot. 

Nurse na naging good samaritan matapos tulungan ang isang babaeng inabot ng panganganak sa kalsada.

Nurse na naging good samaritan matapos tulungan ang isang babaeng inabot ng panganganak sa kalsada.Ang nurse na ito ay nag ngangalang Dearest Ferry Lachica ng Lourdes Hospital. Ayon sa post ng netizen na si Lillia Layson, may palaboy na napaanak sa tapat ng kanyang bahay sa Maynila noong weekend kaya nagpasalamat siya sa mga tumulong sa babae lalo na sa nurse na si Lachica.(c) Lillia Layson#KKK #KoalisyonKontraKrimen

Posted by Koalisyon Kontra Krimen on Sunday, February 3, 2019

Ito ang ilan sa mga naging komento ng mga Netizen.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *