OFW Iniwan Ang Asawa At Apat Na Anak Para Sumama Sa Isang Tomboy

Isang ginang ang pinili ang sariling kaligayahan kapalit ang kanyang pamilya ng siya ay sumama sa isang tomboy at iniwan ang asawa’t mga anak.

Pamilya O Pag-ibig?

Sa dalawang bahaging kwento na ipinalabas ng programang Raffy Tulfo In Action, dumulog ang isang mister kasama ang kanyang byenan para humingi ng tulong na makontak ang kanyang asawang si Ronelia Galzote, isang OFW na umuwi ng Pilipinas kamakailan ngunit hindi dumiretso sa kanyang pamilya, at bagkus ay sumama sa isang tomboy.

Ayon kay Abelardo Galzote, ang asawa ng OFW, siya ay nabigla ng mabalitaang umuwi na pala at sumama sa iba ang kanyang asawa. Wala umano silang problema, at maging sa pagpapadala ng pera ay hindi naman humihinto si Ronelia. Kung kaya’t laking gulat nya ng malamang sumama na pala sa isang tomboy ang asawa at dun na ito tumira.

Ang Depensa Ng OFW

Sa ikalawang bahagi ng kwento, binigyan ni idol Raffy Tulfo si Ronelia ng pagkakataong isalaysay ang kanyang panig. Siya ay inimbitahan ni idol Raffy na pumunta din sa programa at linawin ang tunay na kwento. Nagpaunlak naman si Ronelia at tumungo sa programa kung kaya’t nagkaharap sila ng asawa at ng kanyang ina.

Itinanggi niyang may relasyon sila ng tomboy, sa katunayan, siya ay biglaang pinauwi ng kanyang amo sa Riyadh kung kaya’t napilitan syang humingi ng tulong sa kaibigang tomboy. Wala syang nauwing pera kung kaya’t nagpatulong siya sa kaibigang tomboy na maghanap ng trabaho para makauwi sa kanyang pamilya.

Ayaw Ng Bumalik Sa Pamilya

Ang buong akala ni idol Raffy ay tapos na ang problema, ngunit sinabi ni Ronelia na ayaw nya nang sumama sa asawa. Madalas daw magselos ang asawa nya kahit walang dahilan. Nagmamakaawa ang kanyang mga anak na magbalikan silang mag-asawa, ngunit matigas ang loob nito.

Pilit ding hinihikayat ni idol Raffy Tulfo na magbago ang isip ni Rodelia, lalo na ng sabihin ng isang anak nila na ayaw nya ng broken family. Matigas man ang tanggi ni Rodelia, nadala rin siya sa mga payo ni idol Raffy at pumayag na umuwi na sa probinsya kasama ang mga anak at pamilya.

Ngunit napag-alaman ng staff ng programa na matapos nitong umuwi ng probinsya ay umalis itong muli upang makapiling ang tomboy. Sa ngayon ay tanggap na ng asawa’t anak ni Rodelia na hindi sila ang kaligayahan nito kung kaya’t handa na silang harapin ang buhay ng wala ang ina sa kanilang buhay.

Ito ang full video:

Part 1

Part 2

Ito naman ang ilan sa naging reaksyon ng mga kababayan natin.

Source: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *