OFW, Nanakawan ng Mamahaling Gamit at mga Pasalubong para sa Pamilya sa Airport

Bago pa man umupo bilang pangulo si Rodrigo Duterte ay talamak na ang tanim-bala at nakawan sa Ninoy Aquino International Airport.
Higit na naging apektado dito ay ang mga ordinaryong OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya na naiwan sa bansa.

Bilang bawi sa mga oras na wala sila sa piling ng pamilya, tradisyon na ng mga OFW na magdala ng pasalubong sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga magagandang gamit at mga tsokolate at masasarap na pagkain. Ngunit, paano nalang kung sa airport pa lamang ay mawala na ang mga ito at hindi umabot sa iyong pamilya?

Nakawan Sa Davao Airport

Isang netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya nang maranasan ng kanyang kaibigan na mawalan ng mga gamit at pasaubong para sa pamilya nito. Sa post ni Jimmerly Cantil Balani, sa Davao airport diumano nangyari ang nakawan. Ayon pa dito, nagcomplain ang kaibigan nito ngunit ang abiso lamang dito ay tatawagan nalang diumano ng airport. Di lamang galit kundi panghihinayang ang nadarama ng netizen maging man ng biktima.

Mayroon Nga Bang Nakawan Na Naganap?

Sa kabila ng pagsigaw ng hustisya mula sa ibang netizen, ang iba naman ay nagdududa kung totoo nga bang nangyari ang nakawan.
Aniya ng iba, malabong mangyari ang nasabing kaso sa Davao. Ayon sa iba, malaki ang takot ng mga Davao airport employees sa mga ganitong kaso kaya naman malabong mangyari ang mga paratang ng netizen. Hinala ng iba, malaki ang posibilidad na sa pinanggalingang bansa nangyari ang kabulastugan at hindi sa NAIA Terminal 3.

Magsampa Ng Kaso

Hinikayat naman ng ibang netizen na magsampa ng kaso ang nasabing biktima kaysa naman dalhin lamang sa Facebook ang pangyayari. Marami rin naman ang nakisimpatya sa biktima na tila walang habas na ninakawan ng maraming bagay mula sa kanyang bagahe. Sa mga litrato na pinost ni Balani, puno ng panghihinayang ang kaibigan nito na syang nanlulumo sa pangyayari.

Tanggalin Lahat Ng Empleyado

Komento naman ng ilang netizen, kung mapatunayan mang nagkasala talaga ang mga taga-NAIA Terminal 3, nararapat lang na tanggalin ang mga empleyado mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa upng maiwasan na ang parehong reklamo at magsilbing aral na pag-ayusin ang kanilang trabaho sa susunod.

Masakit isipin na ang kaibigan mo pa nabiktima sa mga kabulastugan ng NAIA terminal 3 or Davao airport !!Hoi dugo at…

Posted by Jimmerly Cantil Balani on Friday, November 30, 2018

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *