Owner Ng Binanggang Pinoy Fishing Vessel, Naglabas ng Sama ng Loob

Nakauwi na sa kanilang mga pamilya ang mga mangingisda na naglayag sa F/B Gem-Vir 1. Matatandaang ang fishing vessel ng mga Pinoy ay diumano binangga ng mas malaking vessel ng Tsinasa West Philippine Sea. 

Sama Ng Loob 

Sa isang panayam kay Felix Dela Torre, ang nagmamay-ari ng F/B Gem-Vir 1 ay mangiyak ngiyak itong naglabas ng sama ng loob. Aniya, 

“Para tayong alipin ng Tsina. Parang wala tayong karapatan sa sarili nating nasasakupan.” 

Pagkahabag Sa Mga Kapwa Mangingisda 

Aniya ay awang-awa ito sa mga kapwa mangingisda na tinuring na nito bilang kapamilya. Ito lamang umano ang source ng kanilang pinagkakakitaan upang buhayin ang kanilang pamilya. 

Alipin Nga Ba Tayo Ng Tsina? 

Liban sa mga biktimang Pilipino na mangingisda, nagbigay din ng samu’t saring komento ang mga netizen ukol sa isyu ng diumano ay pambubully ng Tsina sa ating mga mangingisda. Sang-ayon naman ang mga galit na netizens sa sinabi ni Dela Torre dahil anila ay isang babala o mensahe ang ginawang pagbangga ng mga Intsik sa fishing vessel ng mga Pinoy. Naganap umano ang pangyayari madaling araw ng June 9 nang mamataan nila na mabilis ang pagpapatakbo ng Chinese vessel papunta sa kanilang direksyon. 

Pahayag Ng Tsina 

Ayon sa balita, taliwas naman umano ang pahayag ng Tsina ukol sa alegasyon na “binangga” umano ng kanilang vessel ang bangka ng mga Pilipino. Sa ngayon ay sumasailalim sa isang imbestigasyon ang kaso.  Sa kabila ng ingay ng isyu na ito ay nananatiling tahimik ang pangulo. Pahayag ng mga political analyst, isa itong istratehiya ng pangulo upang mapanatili ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. 

Sa ngayon ay nagsasagawa ang coast guard ng hiwalay na imbestigasyon upang matahi ang mga pahayag ng mga biktima. Ayon sa imbestigasyon ay sadya umano ang ginawang pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga Pinoy. 

Pagtulong Mula Sa Vietnamese Vessel 

Malaki naman ang pasasalamat ng mga biktima sa Vietnamese vessel na tumulong sakanila. Kung wala ang mga ito ay marahil nagpapalutang lutang pa sila sa dagat o mas malala ay hindi na sila makauwi sa kanilang mga pamilya. 

Upang makarating sa Vietnamese vessel ay nagsagwan ang dalawang mangingisda sa pamamagitan ng isang mas maliit na bangka sa loob ng dalawang oras. Doon ay tinulungan sila, pinakain at binigyan ng mga pangangailangan nila. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *