Panoorin: Ang Pag-amin ng Nangunguha ng Bata na Naaresto sa Maynila

Tila dumarami ang mga pagkakahuli sa mga nagtatangkang manguha ng bata sa mga panahon na ito. Marahil kapansin-pansin na sa atin ang madalas na balita sa social media nang mga litrato ng mga suspek sa pangunguha ng mga bata. Ganunpaman, marami pa din ang nabibiktima ng grupong ito.

Tangkang Pangingidnap 

Kamakailan lang, may naaresto na isang babae matapos ito mahuli na sinusubok kuhain ang loob ng isang bata. Sa post ng netizen na si Danalyn Orella Tayag, ibinahagi nito ang kanilang eksperiyensya nang pumasok sa kanilang compound ang babaeng suspek. Dahil hindi kilala, agad itong naharang kanyang tita. Anila ay mabuti na lamang at hindi nakuha ang anak ng kanyang pinsan. Nangyari ang insidente sa Barangay 870. 

Ipinakakalat na ngayon sa social media ang mga litrato ng suspek. 

Pagdala Sa Presinto

Dinala sa barangay ang suspek at ibinigay sa Precinct 10. Paalala ng netizen, mag-ingat ang lahat dahil tunay ang mga grupo na nangunguha ng bata. Sa video din na ibinahagi nito, inamin nito ang kabalbalan na ginagawa na kung saan ay niyayaya nila ang mga bata para sumama sakanila. Inamin din nito na may kasama itong nag-iikot sa nasabing lugar. Tila naman litong-lito ang babae sa kanyangmga sinasagot dahil sabay sabay at marami ang nagtatanong, nagsusumikap na makakuha ng malinaw na impormasyon.

Nagbabaliw-baliwan

Inamin naman ng ginang na may dalawang bata na itong nakuha na sinasabi nitong nasa kanilang bahay. Nakuha daw aniya ito sa Sta.

Ana. Nang tanungin naman kung magkano ang nakukuha ng mga ito sa paggawa ng krimen, ay tila umaakto itong walang alam at nalilito. 

Ayon kay Tayag, nagbabaliw-baliwan ang ginang upang mapakawalan at hindi masampahan ng kaso. Dagdag pa aniya, isa ito sa mga modus ng mga suspek. 

Panoorin ang Video:

MAGNANAKAW NG BATA, NAHULIKahit pa may sakit sa pagiisip bantayan natin doble ang ating mga anak dahil pumapasok ito sa bahay2x at nangunguha ng bata

Posted by Daily Info on Sunday, February 10, 2019

Dismayadong Mga Netizen 

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang mga netizen dahil ang mga nahuhuling nangunguha ng bata ay anila kadalasan na pinapakawalan ng pulisya. Dismayado din ang mga ito sa mga nasa barangay nang mga panahon na iyon na nag-interrogate sa suspek. Dapat anila ay hindi sabay sabay ang pagsasalita upang makakuha ng maayos na impromasyon ang mga ito mula sa suspek. Tila naging sanhi pa umano ang mga ito ng pagkalito. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *