Panoorin: Isang Aso, Sumakay sa Jeep Upang Mabilis na Mahanap ang Amo!

Ang mga hayop ay para ring mga tao- nangangailangan ng pag-aaruga, pagkalinga, at pagmamahal. Partikular na ang mga aso ang sinasabing uri ng mga hayop na higit na mapagmahal at tunay na mapagkakatiwalaan ng mga tao. Sila ay sinasabing loyal sa kanilang mga amo hanggang huli ng kanilang hininga.

Kaya naman marami ang nahuhumaling na mag-alaga ng mga hayop tulad ng mga aso at pusa na syang kadalasan na inaalagaan sa bahay. Dulot nila ay kasiyahan at gaan ng loob para sa kanilang mga tagapag-alaga.

Aso sa loob ng jeep

Isang aso ang kinatuwaan ng mga netizen sa isang viral na video sa Facebook. Sa video ng isang netizen na si Nova Napuyan, makikita ang isang aso na nasa loob ng isang jeep na animo ay tahimik na nakaupo na parang isang pasahero.

Tuwang tuwa ang mga pasahero sa jeep na syang hindi naman pinapangilagan ang nasabing aso. Ayon sa nag-upload ng video, nasaksihan ng kanyang kapatid ang isang aso sa loob ng jeep habang lulan ng sasakyan pauwi sa kanilang bahay.

Ang pagkikita

Ang aso sa loob ng jeep ay tila di mapakali sa isang banda. Nanatili ito sa loob ng sasakyan hanggang tumigil ang sasakyan at ang mga kasabayan na sasakyan sa kalsada at makatapat ang isang pick-up truck na may lulan na mga tao sa likod.

Pamilyar sa aso, tumakbo itong palabas habang ang kanyang amo ay nagmamadali at tuwang tuwa na sinundo ito sa labas ng jeep. Sa sobrang saya, di magkamayaw ang aso sa pagsakay sa trak at muling makasama ang kanyang mga amo.

Ang aso ay sinasabing naiwan o nawala at nang makaalis ang amo ay hinanap nito ito dahilan upang sumakay ito sa jeep. Ang nasabing video ng aso ay nakapaghatid ng lubos na kasiyahan para sa mga netizen.

Marami ang natuwa at naaliw sa mala-pelikula na pagtatagpo ng aso at ng amo nito.

Mahalin ang mga alagang hayop

Ang mga hayop, hindi lamang ang mga aso ang nararapat na bigyan ng atensyon at pagmamahal kundi lahat ng mga ito. Katulad ng tao, protektado din sila ng mga kaukulang batas na nagpapanatili ng kanilang lahi. At nagbibigay sa kanila ng layang mabuhay nang maayos at matiwasay kasama ng kanilang mga tagapag-alaga.

My sister on her way home found this cutie riding a jeepney looking anxious and then this happens………#Vince

Posted by Nova Tapuyao on Friday, November 2, 2018

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *