Panoorin: Pagtataray ng Isang Branch Manager sa Dating Tauhan

Isang viral video ang kumakalat ngayon na kung saan ay huling-huli ang tahasang pagtataray ng isang manager ng The French Baker sa SM Bacoor branch na kinilalang si Lady Camores.

Reklamo Ng Dating Staff 

Sa pamamagitan ng social media ay ibinahagi ng isang netizen na si Ruby Mae dating staff umano ng The French Baker ang paghingi ng hustisya sa hindi makataong pagtrato ng kanyang manager. Ayon kay Ruby, nag-resign ito noong nakaraang taon. Ang dahilan ng pag-alis nito sa kumpanya ay ipinaliwanag naman nito sa kanyang manager na sya namang sinang-ayunan ng huli. Napag-usapan nila na noong December 31 ang kanyang last day. Walang naging problema sa kanyang pagreresign hanggang dumating ang Enero at kinailangan nito ang kanyang clearance.  

Sagutan Sa Isang Store 

Bumalik ang dalaga sa store noong January 24 upang tapusin ang clearance at papirmahan sa kanyang manager ngunit pinabalik na lamang ito sa ibang araw. Minemessage umano nito ang manager ngunit hindi ito pinapansin. Kaya naman minabuti nitong puntahan ulit sa store kasama ang kanyang kaibigan. At doon ay hindi naging maganda ang pag-uusap. 

Viral Video

Makikita sa video na naiiyak na habang nagpapaliwanag si Ruby sa kanyang manager. At nang minabuti ng kaibigan ni Ruby na pumasok sa eksena dahil anila ay tila naaagrabyado ang kaibigan, doon nagkasagutan ang manager at ang kaibigan ni Ruby. Pagalit na sinabi ng manager na mismo ay nasa counter na hinold nito ang clearance ng dalaga dahil sa mga pagliban nito sa trabaho. 

Hamon Ni Manager 

Maririnig din ang kaibigan nito na nabanggit na tila may personal na galit ang manager sa kanyang kaibigan. Umuusok sa galit naman na nakipag-sagutan ang manager hanggang sa pumasok ito sa isa sa mga kwarto sa kanilang store. Makikita naman ang isang staff na pilit na pinapakalma ang nagkakainitang partido. Bumalik uli ang manager at hinamon ang dating tauhan na ireport ito sa main office.

Panoorin ang video:

CLICK HERE FOR THE SOUND…

Posted by Happy Pinoy on Tuesday, February 12, 2019

Batikos Mula Sa Mga Netizen 

Inulan naman ng batikos ang manager mula sa mga netizen. Anila ay mali at hindi tama ang pakikitungo ng manager na si Lady. Dapat umano ay mapagkumbaba ito sa mga tao nito. Puno naman ang pagsimpatya na ipinabatid ng netizen sa nagrereklamong si Ruby Mae. Hinimok ng mga ito na idulog sa Raffy Tulfo In Action ang kanyang reklamo kaysa lumapit sa main office ng pinagtrabahuang kumpanya. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *