Panoorin: Pangingikil Ng Isang DPWH Official, Nakuhaan Sa Isang Video Na Nanghihingi ng Lagay Mula Sa Isang Contactor

Isa sa mga isinusulong ng Pangulong Duterte ay ang paglilinis ng gobyerno na kung saan ay ang mga korap na opisyal nito ay tatanggalin o sasampahan ng kaso. Katulong ng kasalukuyang administrasyon ang PACC o ang Presidential Anti-Corruption Commission na syang pinamumunuan ni Greco Belgica na syang binubuo hindi lamang ng mga ordinaryong mamamayan bagkus ng iba’t ibang personalidad mula sa iba’t ibang propesyon.

Pangingikil

Nito lamang ay inilahad ni Greco Belgica ang isang video na kung saan ay makikitang nangingikil ang isang DPWH official na si District Engineer Lorna Ricardo. Ayon sa video, nanghihingi ito ng lagay mula sa contractor ng project sa Ifugao ng may kabuuang 20 milyon na piso. Nanghingi umano ng 10% ng kabuuan ng proyekto ang opisyal o paunang bayad na 10 milyong piso.

Congressman Teddy Baguilat

Sa video ay nabanggit ni Ricardo na sinabi umano ni Ifugao Representative Teddy Baguilat na grabe daw umano maningil ang mga taga-DBM. Na syang pinasinungalingan naman ni Baguilat at inilahad na wala itong SOP o paghingi ng mga lagay sa proyekto. Dagdag pa aniya ay nakausap na nito si Ricardo at nilinaw ang isyu. Lumapit din ang contractor kay Baguilat at nagpayo rito na ireklamo ang nasabing ganap sa DPWH Central Office.

Aksyon ng DPWH Legal team

Ang nasabing video ay ipinapanood ni Belgica sa DPWH Legal team at inilahad nito na hindi kukunsintihin ang nasabing aksyon ng opisyal. Sa ngayon maaari itong mapatanawan ng preventive suspension habang dinidinig pa ang kaso at wala pang desisyon. Ang pinal na desisyon ay magbabase sa video bilang ebidensya laban kay Ricardo.

RA 6713

Nakarating na din ang nangyari kay Pangulong Duterte at pinakakasuhan diumano ito. Kasong administratibo ang ikakaso ni Belgica sa DPWH at kasong kriminal naman sa hanay ng Offie of the Ombudsman. Sa isang panayam kay Belgica, sinabi nitong nahaharap ang opisyal ng DPWH sa paglabag ng R.A. 6713 o sa ethical standard of a public employee. Patama ni Belgica,

“Kung tinotokhang natin ang adik, dapat tinotokhang natin ang korap.”

Sigaw naman ng mga netizen, tokhangin din ang mga korap sa gobyerno. Inulan naman ng papuri si Belgica sa lubos na pagtulong nito na ubusin ang mga korap o tumatanggap ng lagay sa gobyerno.

Source: YouTube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *