Panoorin: Tricks Ng Isang African Love Bird Sa Batangas; Kinatuwaan Ng Mga Netizen!

Nakakatuwang makasaksi o makanood ng mga video ng hayop na maalam sa iba’t ibang tricks. Katulad na lamang ng African love bird ng isang netizen na si Rolly Onnagan Bituin ng Batangas. 

Viral Video 

Ang viral video ni Bituin ay umabot na sa libo-libong reactions, shares, at comments matapos ang nakaka-good vibes na pagpapakita nito ng tricks ng alaga nitong si Debra. Naitampok na din sa iba’t ibang news platform ang video ni Rolando at naimbitahan na din ng isang TV network para sa isang programa na naglalayon na magpakita ng galing ng mga hayop. 

Ang Ibon Na Si Debra 

Sa video ay makikita kung gaano kagaling ang pagsunod sa instructions ng ibon na si Debra. Alam nito ang roll, turn around, at iba pa. Nakakaaliw na makita ang pagiging masigasig ni Rolando sa pagtuturo sa kanyang alagang African Lovebird. Bilib na bilib ang mga netizen na nakapanood ng viral na video. Habang ginagawa ang tricks, pinapainom nito ng tubig ang alaga pasaglit saglit. 

Good Vibes 

Good vibes ang dala ng video sa mga netizen kaya naman nag-viral ito. Kung tipikal na sa atin ang mga aso at puso na marunong sa tricks, tila naman aliw na aliw tayo dahil bibihira ang mga ibon sa ganitong larangan. Kadalasan lamang natin nakakagiliwan ay ang mga parrot na napakagaling nga naman manggaya ng mga salita. 

Inspirasyon Sa Marami 

Hindi madali ang pag-aalaga ng mga hayop at mas lalong hindi madali ang pagtuturo sa kanila ng mga tricks. Lubos na sipag at tyaga ang kakailangan ng isang tao upang lubusan itong maunawaan at maintindihan. Ang video ni Rolando ay nagsilbing inspirasyon sa maraming netizen upang magpursige din na magturo ng tricks sa kanilang mga alagang hayop. 

Maging Responsable

Ganunpaman, sa pagbibigay ng kaalaman at pagtuturo ng tricks sa mga hayop ay may kaakibat na responsibilidad na hindi makokompromiso ang kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop. Bigyan lamang ng tyaga at tiyak na magagawa din ng inyong pets ang mga tricks na noon ay pinapanood nyo lamang sa tv. 

Higit pa riyan, mas kinakailangan ng ating mga alagang hayop ang lubos na pag-aaruga, atensyon, at pagmamahal mula sa ating mga nagsisilbi nilang magulang. 

Panoorin ang Video:

#DEBRA#Tricks#AfricanLovebird#MajesticWingPhilippines#MWBatangasChapter

Posted by Rolly Onnagan Bituin on Tuesday, February 5, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *