Panuorin: Panayam Kay General Bato Dela Rosa Sa California

Nagpaunlak si General Bato Dela Rosa ng isang one-on-one interview sa sikat na DDS supporter at vlogger na si Maharlika ng siya ay dumalaw sa mga kababayan natin sa California.

Mainit Na Pagtanggap

Sa isang ekslusibong video na ibinahagi ni Maharlika sa kanyang Facebook page, pinuri ni Maharlika si General Bato dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo. Ito ay pruweba lamang na marami ang naniniwala sa kakayahan ni Dela Rosa para mamuno bilang senador sa darating na halalan.

Si Dela Rosa ay nagmula din sa maralitang pamumuhay kung kaya’t alam niya ang mga hinaing ng kababayan nating mga mahihirap. Nabanggit din ni Maharlika na nakita niya kay General Bato ang pagnanais na maglingkod sa bayan, at makatulong sa ikauunlad ng bansa.

Plataporma

Isa sa mga isinusulong ni General Dela Rosa ay ang pagbalik ng De4th Penalty sa bansa. Ayon sa kanya, ang Pilipinas ay nahaharap sa isang sangandaan. At dapat na tayong pumili kung isasalba ba natin ang buhay ng isang dru9lord o ang isang milyong buhay na sisirain nito dahil sa kamandag ng dr0ga.

Bukod dito, nais ding paigtingin ni General Dela Rosa ang pagtulong sa mga kababayan nating OFW na nahaharap sa matinding mga pagsubok. Sa kanyang pagdalaw sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Silangan, napansin nyang kulang pa ang tulong na ibinibigay ng embahada para sa mga OFW.

Accomplishments

Isa sa itinuturing na biggest accomplishment ni General Dela Rosa ay ang maigting nilang laban upang masugpo ang iligal na dr0ga sa bansa. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang Hepe ng PNP, halos 1.5 million dru9 personalities ang sumuko sa kanilang Tokhang program. Bukod dito, mahigit 130,000 na dru9 offenders ang nakakulong sa piitan, dahilan upang lalong sumikip ang mga kulungan sa bansa.

Ang kanyang pinaka ipinagmamalaki ay ang panunumbalik ng tiwala ng taumbayan sa kapulisan. Bagamat may iilan pa ding scalawags sa hanay ng pulisya, masasabi nating malaki ang ipinagbago nito kumpara sa nakaraan.

Suporta Kay Richard Santillan

Sa kaso ng nap4slang na bodyguard na si Richard Santillan, ipinangako ni Dela Rosa na kakausapin ang Hepe ng PNP na si Gen. Albayalde at si Gen Caranza ng Region IV upang malaman ang puno’t dulo ng istorya sa pagkam4tay ni Santillan. Kanya ring sinigurado sa publiko na isang matapat na pulis si Albayalde, kung kaya’t naniniwala siya na hindi nito pagtatakpan ang sinumang may sala sa naturang krimen.

One-on- one interview with General Ronald “Bato “dela Rosa#JusticeForRichardRedSantillan

Posted by Maharlika on Friday, December 14, 2018

Source: Facebook

 

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *