Part 2: Misis, Nahuli Ng Anak Na Nakikipaghalikan sa Isang Drayber

Patuloy ang paglaban ng isang ina na si Bernalyn Arabes upang makuha ang kustodiya ng mga anak sa kabila ng mga akusasyon ng dating ka-live in nito. 

Part 2 

Hindi rin matinag ang tatag ng paninindigan ng amang si Bernardo Leonardo upang hindi makuha sa kanya ang dalawang anak papunta sa dating ka-live in na si Bernalyn. Sa ikalawang bahagi ng kaso nito ay tuloy tuloy ang pagbabangayan ng dalawa na animo ay naglalabasan ng baho sa isa’t isa. Mula sa diumano tangkang pagpapak4m4t4y ni Bernardo kasama ang mga anak nito ay umabot ito sa tangkang pananaksak diumano ni mister ayon kay Bernalyn. 

Idinulog Sa CSWD 

Dahil sa walang nakikitang tsansa sa gitna ng dalawa ay minabuti ni Raffy Tulfo na isangguni at ipasa ang pagdedesisyon sa CSWD Taguig. Dadaan sa isang assessment ang mga bata at doon ay magdedesisyon ang CSWD kung kanino nararapat mapunta ang kustodiya ng mga bata. 

Asessment Interview Ng Mga Anak 

Sa isang assessment interview na isinagawa ni Jurita Olvida sa dalawang bata ay napag-alaman nito na ayaw ng anak na babae na sumama sa kanyang nanay dahil aniya ay nakita nito na nakikipaghalikan ito sa ibang lalaki nang minsang magkaroon ng inuman sa kanilang bahay. Dagdag pa ng bata ay sinasaktan sya umano ng tita nito na ngayon ay may nakasampang kaso laban rito. Nagpahayag ito ng kagustuhan na sumama at mapunta sa puder ng kanyang tatay dahil aniya ay inaalagaan sila nito ng kanyang kapatid kahit pa man pagod ito sa trabaho. 

Kasunduan 

Napag-kasunduan naman ng dalawang partido na sundin ang naunang pinirmahang kasunduan ng mag-asawa bago pa man maganap ang hablahan ng mga ito sa programa ni Raffy. Mananatili sa dating set-up na kung saan ay tuwing Lunes hanggang Biyernes ay nasa pangangalaga ni Bernalyn ang mga bata at kay Bernardo naman ang mga ito tuwing weekend. Ganunpaman, inabisuhan si Bernalyn na hindi maaaring mag-alaga sa mga bata ang kapatid nito na sinasabing pisikal na nanakit sa mga bata. 

Panoorin ang Video:

Hinala Ng Netizens 

Hinala ng netizens ay tila namamanipula ang mga pahayag ng bata. Anila ay naturuan diumano ng ama kung paano ito sasagot sa mga katanungan dito. Giit naman ng iba, tila nangangailangan ng medikal na atensyon sa pag-iisip ang dalawa dahil sa mga ipinakitang pag-uugali. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *