Part 3: Deported Pinay OFW, Asawang Tryke Driver, at mga anak, Nagkaharap-harap Na!

Sa ika-apat na parte ng kwento ng pinay OFW na pinagpalit ang asawang tricycle driver at 5 anak sa kanyang engineer na boyfriend sa Saudi ay tuluyan na ngang nagkaharap ang mag-asawa. Kahapon ay nakalapag na sa bansa si Sheerlyn Gerasta na syang sinalubomg ni OWWA deputy administrator, Arnell Ignacio. Minadali ang pagpapauwi sa ginang dahil diumano ay kumalat na din sa Saudi ang balitang pakikiapid nito sa isang engineer. Bilang mabigat na kaso ang pakikiapid, minabuting kontakin ni Ignacio ang ahensya at employer na humahawak kay Sheerlyn. 

Ang Paghaharap 

Nagkaharap-harap na sina Charlie, Sheerlyn, Arnell Ignacio, at Raffy Tulfo upang pag-usapan ang puno’t dulo ng problema. Mariing iginigiit ng ginang ang kanyang desisyon na hindi na nito babalikan ang kanyang asawa. Tila ba pinal na ang kanyang desisyon sa pagkakataong mabuo pa ang kanyang pamilya. Dumating si Charlie at ang mga anak na ito na kung saan ay naging emosyonal ang mga bata matapos makita ang kanilang ina matapos ang pamamalagi ng ilang buwan sa ibang bansa. 

Mga Akusasyon Laban Kay Charlie 

Sa gitna ng pag-uusap ay tila naging pasikot sikot ang mga sagot ng ginang sa tuwing tatanungin kung bakit ayaw na nito balikan ang kanyang asawa. Una ay ibinunyag nito na gumagamit ng b4w4L n4 g4m0t ang asawa na sya namang inamin ng lalake at nilinaw na naging tulak ito at nakapagbayad na ng kasalanan noong makulong ito noong 2015. Nang hindi naging kumbinsido ang rason, dinahilan naman nito na nambababae si Charlie ngunit wala naman itong mapakitang ebidensya. Aniya ay nasasakal na din ito sa pagiging seloso ng asawa. 

Counseling

Dadaan sa counselling ang mag-asawa na kung saan ay magkakaroon ng kooperasyon ng DSWD sa prosesong gagawin. Ang pinal na desisyon ng mag-asawa ang pagbabasehan sa kung ano ang magiging kapalaran ng mga bata. 

Nasirang Puri 

Para kay Sheerlyn, hindi na nito babalikan ang asawa dahil na din sa ginawa nito na kung saan ay diumano nasira ang kanyang puri. Nagsilbing depensa ng pobreng tricycle driver si Raffy Tulfo bunsod ng pagiging malambot nito sa asawa. Ayon kay Raffy, ang tunay na ugat ng problema ay si Sheerlyn na kung saan ay napag-alaman pa na nagpapadala ito ng mga hubad na larawan at video sa naging kalaguyo nito. Mariringgan din di Sheerlyn na dalawang beses nitong sinabi sa asawa, 

“Sampain kita dyan eh!” bunsod ng sobrang inis at galit dahil naisasapubliko na ang mga maing gawi nito. 

Abangan 

Sa huli, sinalubong sina Sheerlyn at Charlie ng kanilang mga anak na kung saan ay nagmakaawa ang panganay nila na magkabalikan na sila upang mabuo ang kanilang pamilya. 

Mabubuo pa kaya ang samahan ng mag-asawa para sa kanilang mga anak?

Ito naman ang nasabi ng ilang kababayan natin sa comment.

Source: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *