Patutsada ni Trillanes sa mga kritiko: “Lalo silang iigting, manggigigil”

Ngayon ang pinaka-aabangang paglabas ng desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ukol sa kasong rebelyon ni Sen. Antonio Trillanes IV nitong hapon. Ang maituturing na pagkapanalo ng nasabing senador at mga kaalyado nito sa pulitika ay sinasabing umpisa pa lamang.

Hindi sinang-ayunan ng Branch 148 ang mosyon ng Department of Justice ukol sa kaso at hinayag na hindi sapat ang mga ebidensya laban sa senador.

Desisyon ng korte pabor kay Trillanes

Sa isang Facebook live ng News 5, sinabi ng abogado ni Trillanes na hindi pinayagan ng korte na muling buksan ang kasong kudeta ng kliyenteng si Trillanes. At sya nga ay muling pinatunayan na nagsampa umano ng aplikasyon ang senador para sa amnestiya nito. Bagaman ay umpisa pa lamang ito ng napakahabang balitaktakan sa pulitika ay umaasa ang mga ito na magiging patas at sa totoo si Judge Soriano sa mga desisyon nito. Ang pagka-dismiss ng pagbubukas nv kasong kudeta ni Trillanes ay pinaniniwalaang walang sapat na basehan para mabuksan muli.

PD 572

Dagdag pa aniya, ang legalidad ng Proclamation No. 572 na syang inilabas noong panahon ng administrasyong Aquino ay nasa kamay at hukom ng Korte Suprema.

Buong pasasalamat naman ang pinabatid ng senador kay Judge Soriano para sa pagiging patas nito at paniniwala sa batas at lalong lalo na ang hindi pagpapadala nito sa diumano ay panggigipit ng administrasyong Duterte. Isang persona ng pagiging pag-asa ang pagkakahalintulad nito kay Judge Soriano. Mariing ipinagyabang din ng pinakamahigpit na kritiko ng pangulo na sa kabila ng matinding presyon na ipinapataw ng gobyerno sa hudikatura ay matapang itong sinalubong ni Soriano.

Nagwagi ang tama

Tila ba inaangkin na ang tagumpay at ang tiwalang nasa tama ang mga gawi ay sinabing nagwagi na ang tama at ang saligang batas. Aniya pa, hiniling nito na sana ay lahat ng nasa departamento ng hudikatura ay maging katulad ni Soriano.

“Di ako titigil”

Ayon kay Trillanes ay hindi ito titigil na maging kritiko ng gobyerno at ng Presidente hanggat ito ay nasa oposisyon. At ang katulad nyang kritiko ay nangangailangan ng demokrasya sa pagpuna sa kasalukuyang gobyerno. Laking tuwa naman ng senador sa nasabing desisyon ng korte at inari na tuwang tuwa ang karamihan ukol dito.

WATCH | Pagdating ng Makati RTC Branch 148 sheriff sa Senado para ihatid ang desisyon ng korte kay Sen. Antonio Trillanes IV | via Maeanne Los BañosHIGHLIGHTS:Robles: Bandang huli, lumabas din ang katotohananRobles: The court in effect did not allow the re-opening of the coup d'etat case of TrillanesRobles: We have a pending resolution on Makati RTC Branch 150Robles: Trillanes did file his application for amnestyRobles: On rebellion charges, that would proceed independently. Haharapin natin, convince presiding judge to uphold immunitability of court decisionsRobles on court martial: Napakalabong mangyari 'yun dahil may order ang AFPRobles: We are hoping and praying for a favorable decision. Despite all of the pressure eh nagkaroon ng ruling si Soriano na tinignan talaga ang kaso, kung ano ang naayon sa batasRobles: As far as I can see, walang threat of arrestRobles: Matagal nang nadismiss ang kaso, ang ginawa ni Soriano hindi niya binuksan ang kaso dahil walang magandang dahilanRobles: The legality of the Proclamation Order No. 572 will be up to the Supreme CourtTrillanes: Gusto nating pasalamatan si Soriano for upholding the law despite the pressure from the Duterte administrationTrillanes: Meron pong pag-asa sa ating bayan and he is personified by Judge Soriano at this pointTrillanes on court' decision on Proclamation 572: 'Yung inuphold niya is 'yung constitutionality, prerogative of the President to issue proclamation order. Tatalakayin ito sa Korte SupremaTrillanes: Alam ng mga Pilipino kung ano ang pressure na 'yan. But still sinalubong ni Soriano ito at ginawa niya ang tama. Trillanes: Nagwagi ang tama, rule of law at demokrasya. Si Judge Soriano, kung kagaya niya ang nasa hudikatura natin sa Supreme Court ay mapapanatag ang loob ng mga Pilipino.Trillanes: Tignan natin kung masu-sustain ito ng Supreme CourtTrillanes: Actually I was psyched up for the worst case scenarioTrillanes: Objectively we were expecting na maganda 'yung magiging desisyon kasi the fact na pinag-aralan niya ito, piniga niya 'yung ebidensya at in-admit niya yung ebidensya na ino-offer natin. Noong medyo hapon na we feel na walang warrant 'yunTrillanes: I will continue to do my job, hindi ito ano sa akin, not driven by hate. Basta meron akong makita, 'di ako mapipigil sa kanya.Trillanes: I'll be the same critique, upholding my role in the democracy as a member of the oppositionTrillanes: Kailangan ng demokrasya ng mga kagaya ko na pinupuna ang administrasyonTrillanes on probing Calida: Matutuloy 'yan. Nandun tayo sa punto na may iba't ibang dokumento na nakitaTrillanes: We are happy, a lot of people are happy today. Trillanes on his critics: Lalo silang i-igting, manggigil. Lalo akong energized, I will face them

Posted by News5 on Monday, October 22, 2018

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *