PBB Lou, Muling Viral sa Isang Video Na Tila Hinalikan Si Andre

Muling nasasangkot ngayon sa isang kontrobersiya ang PBB Housemate na si Lou Yanong. Viral ang isang video na kung saan ay tila hinalikan nito ang nakakapalagayan ng loob na isa pang housemate na si Andre Brouillette sa harapan ng iba pa nilang housemate.

Viral Video 

Binabatik0s ngayon sa social media ang Youtube video na ngayon ay tinatayang nasa higit 400k views. Bagaman hindi kita ang anggulo na kung talaga bang hinalikan ni Lou si Andre, ay umano ito ng maraming negatibong komento mula sa mga netizen. Makikita sa video na lumapit ang dalaga kay Andre at tila hinalikan ito.

Negatibong Komento 

Ngitngit ng mga netizen, kung di aniya kaya na irespeto ng dalaga ang kanyang sarili sa pagdikit dikit na tila clingy kay Andre ay dapat respetuhin man lang nito ang ibang housemate sa paligid nila na nakakasaksi sa mga ginagawa nya. Anila ay hindi dapat tinotolerate ng management ang mga nasabing gawain dahil may mga nakababatang manonood ng programa. Ayon sa iba, hindi maganda tignan na babae ang unang gumagawa ng aksyon na gawin ang bagay na dapat ay ginagawa lamang ng mag-nobyo o mag-asawa. 

Kontrobersiya 

Matatandaang nauna nang nasangkot sa isang viral video sina PBB Otso Housemates Lou at Andre dahil sa viral na halikan ng mga ito sa isang pool party na ginanap sa bahay ni Kuya. Naging mainit ang diskusyon sa hanay ng mga netizen pati na din sa mga housemates na saksi sa mga naging aksyon ng dalawa. Bagaman nakainom ng alak, hindi pa din umano rason na maging iresponsable sa kanilang mga kilos at gawi. 

Team LouDre 

Nagkaroon ng tila mutual understanding sina Lou at Andre matapos ang dinner date nito na ginanap sa bahay ni Kuya. Mas naging close pa ang mga ito nang magkaaminan ng tunay nilang nararamdaman para sa isa’t isa. 

Suporta ng Pamilya 

Sa kabila naman ng kontrobersiya, patuloy pa din ang pagsuporta ng tatay at pamilya ni Lou na malalagpasan nito ang mga pinupukol na hamon sa anak. Kamakailan lang ay nagsalita din ang kapatid nito at bestfriend na isa ding model na tigilan na ng mga bash3r ang dalaga.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *