Pinay Na Modelo, Binatikos Ng Mga Singaporean Dahil Sa Pagsusuot Ng ‘Daring’ Na Damit Sa Publiko

Tipikal na tampulan ng usapan ang paraan ng pananamit ng mga tao, partikular na ang mga babae. Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang litrato ng isang Pinay na model na kung saan ay makikita itong nakasuot ng daring na damit habang naghihintay ng tren sa Singapore. 

Daring Na Damit 

Bunsod ng pananamit ng freelance model na si Ashley Garcia, nakatawag ito ng pansin sa mga lokal ng Singapore na kung saan ay inatake ito ng pambabatikos. Kumalat sa social media ang larawan na kung saan ay nagpahayag ang ilang Singaporean netizens ng pagkadismaya sa pananamit nito. Ayon sa isang news outfit, lumabag sa public order ang dalaga. 

Posted by Ashley Garcia on Monday, February 11, 2019

Public Apology 

Naglabas naman ng public apology ang dalaga sa pamamagitan ng Facebook. Ayon sa dalaga, nakasuot ito ng maikling shorts at may nipple tapes na nakakabit sa kanyang dibdib. Nanghingi ito ng pasensya sa kung anuman na kultura ang nailabag ng kanyang pananamit. Ganunpaman ay ipinabatid nito na wala itong masama o malisyosong intensyon sa kanyang pananamit. Iginagalang din diumano nito ang mga namba-bash at kumakastigo sakanya. 

Posted by Ashley Garcia on Monday, February 11, 2019

Binatikos Ng Mga Netizen 

Nang kumalat ang balita at nakarating rito sa Pilipinas, hindi napigilan ng mga netizen ang inis at batikusin ang nasabing freelance model na Pinay. Anila ay nakasira ang dalaga sa pananaw ng mga dayuhan sa mga Pilipina. Binato ng mga netizen ang dalaga ng iba’t ibang masasamang salita. Tinawag itong walang delikadesa, paggalang, at respeto sa sarili. 

Dagdag ng mga netizen, hindi nasusukat ang kagandahan sa kung gaano kamapangahas ang suot ng isang babae kundi kung gaano kasimple at kaayos ang pananamit nito. 

Irespeto Ang Sarili

Giit ng mga netizen, dapat ay naging sensitibo ang dalaga sa kultura ng bansang pupuntahan. At ipinagdiinan na kung nais nito na irespeto ng ibang tao ay dapat nitong respetuhin din ang sarili. 

Yes, this was me waiting in the ATM queue. I was not aware that somebody took a photo of me (I don't personally know his…

Posted by Ashley Garcia on Monday, February 11, 2019

Depensa Ng Ibang Netizens 

Ipinagtanggol naman ng ibang Pinay na naka-base sa Singapore na mas daring pa ang suot ng mga lokal sa bansa. Anila ay natyempuhan lang ang dalaga at naging tampulan ng pambabatikos at pamba-bash mula sa mga ito. Marahil aniya ay maganda ang dalaga kaya napagtripan umano ito. 

Ito naman ang sari’t saring komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *