Pinay OFW, Namat4y Dahil sa Sobrang Pagod at Stress sa Trabaho

Isang Pinay OFW ang puman4w kamakailan sa Taiwan dahil umano sa sobrang pagtatrabaho, pagod, puyat, at stress dahil na rin sa kanyang trabaho. Ayon sa mga doktor, siya ay binawi4n ng buhay dahil sa Aneurism. Ang itinuturong dahilan ay kanyang sobrang pagod at pagpupuyat sa trabaho.

Sakripisyo Ng OFW

Hindi kaila sa ating lahat ang sakripisyong ibinibigay ng mga Pinoy OFWs para lamang guminhawa ang buhay ng mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sila ay nagtatrabaho na parang kalabaw at tinitiis ang pagod at puyat para lamang makapagpadala ng pera sa kanilang pamilya dito.

Marami sa ating OFWs ang nakaranas ng iba’t ibang klase ng paghihirap sa kagustuhan nilang makapag-uwi ng malaking pera sa mga pamilya. Mayroong minamaltrato ng mga amo, mayroong hinahal4y, at kung mamalasin ay mayroon pang mga napapat4y ng mga malulupit nilang employer. Ang iba naman ay halos mamat4y na sa hirap ng trabaho at nagkakasakit dahil sa sobrang pagod.

Photo source: Maryjane G. Magallanes/Facebook

Malungkot Na Sinapit

Sa isang post na ibinahagi ng ating kababayang netizen na si Mary Jane Magallanes, isang pinay na nagtatrabaho sa Taiwan ang binawi4n ng buhay kamakailan dahil sa Aneurism. Ang aneurism ay ang pagputok ng ugat sa ulo na madalas ay nagiging sanhi sa agarang kamatay4n.

Nadala pa sa ospital ang biktima, at ang unang hinala nila ay stroke lamang ito, ngunit matapos ang mga tests ng doktor, nalamang ito pala ay Aneurism at hindi nagtagal ay binawian din ng buhay ang kawawang OFW. Ayon sa mga kasama nito, madalas daw sumasakit ang ulo ng biktima dahil na rin sa sobrang pagod nito at puyat sa trabaho.

Photo source: Facebook/Maryjane G. Magallanes

Mag-ingat Ang Lahat

Sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang tunay na pangalan ng OFW, bagama’t nahanap na ng kaanyang Facebook page n may pangalang Bebe Lhabz (Malditang Prinsesa). Nakakalungkot isipin na sa pagpupursigi niyang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya sa Pilipinas ay ang buhay niya ang magiging kapalit.

Sana ay magsilbi itong aral sa mga kababayan nating OFW na paka alagaan ang kanilang kalusugan. Huwag nilang pagurin ng sobra ang kanilang mga sarili. Totoo man na mahalaga ang mga perang ipinapadala nila dito sa kanilang pamilya, wala na sigurong mas importante kundi ang kanilang buhay.

Ofw Taiwan R.I P. Kabayan😢😢😢😢Condolence Sa mga family mo relatives friends may your soul rest in peace .Ang hirap…

Posted by Maryjane G. Magallanes on Tuesday, March 19, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *