Presidente, Nanguna Sa Pag-awit Kay PNP Chief Oscar Albayalde Sa Kanyang Kaarawan

Personal na kinantahan at binati ni Pangulong Duterte si PNP Chief Oscar Albayalde sa kanyang ika 55 taong kaarawan nitong huwebes, Nobyembre 8, 2018. Bukod sa pagkanta, inalayan din ng isang cake ang PNP chief bilang paggunita sa kanyang kapanganakan.

Pambihirang Eksena

Sa isang post na ibinahagi ng PNP CHief sa kanyang official Facebook page, makikitang kinakantahan sya ng mismong presidente ng bansa ng “birthday song” para sa kanyang ika 55 na taong kaarawan. Marami ang nagsabi na ang ganitong eksena ay hindi pa nila nakikita sa sinumang presidente ng bansa, ang kantahan ang hepe ng PNP sa harap ng mga opisyal at panauhin.

Ito ay patunay lamang ng ganda ng samahan ng presidente at ng Chief PNP. Sino nga naman ang hindi pagbubutihan ang pagtatrabaho kung mismong ang presidente ang bumati at kumanta sa iyo ng Happy Birthday?

Sino Ba Si PNP Chief Albayalde?

Bago naging Chief PNP si Oscar Albayalde, siya ang naging hepe ng NCRPO, na namuno sa pagpapanatili ng kapayapaan sa gitna ng ASEAN summit at ang maayos na paghawak ng “shooting incident” sa Resorts World Manila. Siya ay miyembro ng PMA Class 1986 kasama ng kanyang pinalitang PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Siya ay iniluklok ni presidenteng Duterte bilang PNP Chief matapos palitan si General Dela Rosa noong Abril 19, 2018. Siya ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre 2019 pagsapit ng kanyang ika 56 na kaarawan.

Siya ay ipinanganak sa San Fernando City sa Pampanga, at may apat na anak sa kanyang asawang si Cherrylyn Albayalde.

Big Bike

Matatandaang mahilig gamiting ni PNP Chief Albayalde ang kanyang big bike para sa mga sorpresang paginspeksyon sa mga istasyon ng pulis. Big bike din ang kanyang ginamit mula Maynila patungong Baguio nang siya ay dumalo sa PMA Homecoming nitong Pebrero 2018, Motor din ang kanyang sinakyan ng siya ay nagpaunlak pumunta sa Silang, Cavite para sa PNPA Homecoming.

Reaksyon Ng Netizens

Marami ang natuwa sa ginawa ng presidente sa PNP Chief. Marami ang nagsabi na bihira ang presidente ang tulad ni Duterte na may malasakit sa kanyang mga tauhan at hindi nahihiyang ipahayag ito. Marami din ang pumuri sa katapatan sa tungkulin ni PNP Chief Albayalde.

Maraming salamat po ulit, Mr President sir! 🎂

Posted by Oscar Albayalde on Thursday, November 8, 2018

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *