Pulis, Inirereklamong Nangangamkam Ng Lupain At Nanghaharass Ng Mga Residente Sa Lake Sebu, South Cotabato

Ang mga kapulisan ang unang takbuhan ng mga tao sa isang komunidad sa panahon ng pangangailangan. Sila ang nagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa isang pamayanan. Sinisiguro nila ang seguridad maging man ng ordinaryo o kilalang tao. Ganunpaman, hindi nananatiling malinis ang hangarin ng iba at ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang makapanghamak ng kapwa.

Banta Sa Seguridad

Isang netizen ang nagdulog ng kaniyang pangamba para sa seguridad mula sa kamay ng isang pulis sa kanilang lugar. Si PO3 Glen Sealmoy ang itinuturong nanghahamak at nangangamkam ng lupa sa kanilang lugar. Ayon sa pahayag ni Jean Katin, nanghaharass at nagtatanim ng takot ang pulis na si Sealmoy sa kanilang barangay. Gumagamit ito ng dahas upang masagawa ang kanyang mga hangarin. Kumikilos ang pulis kasama ng kanyang mga kapatid na security guard at mga kamag-anak na tinatayang bayolente at marahas.

Pang-aagaw ng Lupa

Pahayag ni Katin, pilit na nanghihimasok sa kanilang pribadong lupa sa Lake Sebu, South Cotabato si Sealmoy. Walang hamak nitong pinapasok ang lugar at armado ito upang matakot ang mga tunay na may-ari ng lupain.
Sinuntok din umano ni Sealmoy ang kapatid no Kate ngunit nababagabag ito kung bakit hindi man lamang hinuli ang mapang-abusong pulis ng ibang pulis na nasa lugar. Rason upang tumawag ito ng pulis ay dahil nais nitong maprotektahan ang pamilya mula kay PO3 Glen. Bagkus, binaliktad ng pulis ang istorya at diumano pinalabas na ito ang biktima. Sa pagkakatanda ni Katin, binalaan ng ibang pulis ang kanilang pamilya na lumayo kay PO3 Glen ngunit hindi nila magawa dahil ito mismo ang nanghihimasok sa lupa nila.

Kahit pa man na ipablotter nila ang nasabing pulis, hindi pa din sila makakuha ng hustisya dahil inaabot diumano ang paggawa ng blotter ng apat na oras.

Sino Si PO3 Glen Sealmoy?

Sa salaysay ng biktima, si Sealmoy ay isang treasure hunter at naniniwalang may kayamanan sa lupain nina Katin. Kaya naman tahasan ang panghihimasok at paggawa ng karahasan sa pamilya nito. Inari din nito ang mga mais na dapat ay aanihin nila. Pinagawan din ng mga kubo ang lupang walang nakatamnan sakanila. At doon ay nakikipag-inuman ang pulis kasama ng mga kaibigan nito. Nagbanta din ito na pupugutan nito ng ulo ang buo nilang pamilya pati na mga bata.

Nawa ay mabigyan at maabutan ng tulong ang nasabing residente dahil ito ay isang malinaw na kaso ng karahasan at paggamit sa kapangyarihan.

P03 GLEN SEALMOY! HUWAG TURALAN!! PULIS SA LAKE SEBU SOUTH COTABATO NANG AAGAW NANG LUPA AT NANGHAHARAS SA PAMAMAGITAN NANG DAHAS AT PANANAKOT, KASAMA ANG KANYANG MGA KAPATID NA MGA SECURITY GUARDS AT MGA BAYOLENTENG MIYEMBRO NG KANYANG ANGKAN. Kami po ay humihingi nang tulong sa inyo para mapanagot ang pulis na si P03 Glen Sealmoy sa pananakot at pagbabanta sa pamilya ko dito sa Lake Sebu South Cotabato. Sana ay matulungan niyo po kami dito sa lugar namin, walang awang pilit na inaagaw niya po ang lupa namin dito. Wala po kaming magawa kasi meron po siyang mga kasama at meron po silang armas. Sinuntok po ng kapatid ni PO3 Glen Sealmoy ang kapatid ko pero hindi ko po maintindihan kung bakit hindi sila hinuli o dinakip nang mga pulis na nandun sa incedente sa video, dahil kaya nga ako tumawag ng pulis para tumulong sa amin. nakaassign po si PO3 Glen Sealmoy sa police station nang Lake Sebu, South Cotabato kaya kilala niya ang mga pulis dito at madali niyang baliktarin ang mga storya. Di ko rin po makalimutan na sinabi sa amin ng pulis na umiwas kami sa kanya samantalng sila ang pumasok sa aming lupa. Saan kami pupunta? Aalis kami ng bahay namin? Ilang beses na din kaming dumidinig sa barangay at sa estasyon nang pulis ngunit kahit pagpapablotter namin ay umabot nang 4 na oras para maisulat.Si PO3 Glen Sealmoy ay kilala po kasing treasure hunter sa pag aakalang may kayamanan yung lupa namin, kaya kayang makipagpatayan nang pulis na ito makuha lang gusto niya. Natatakot na po kami nang mga anak ko at kapamilya ko dito. Punong puno na kami sa pagbabanta buhat sa kanya at sa mga kasmahan niya. isa na dito ang pagsabi nila pupugutin nila ang ulo namin pati daw po nang mga bata para maglakad ng walang ulo. Sinuntok niya po at nasira ang bintana naming at agad me nagpaputok ng baril na wala namang ibang tao at merong baril sa amin.Kitang kita po siya nang kapatid ko ngunit pinasinungalingan at binaliktad niya po ang nangyari at kami pa pinatawag niya sa barangay sahil daw “Intriguing against honor daw po. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kapal ng mukha at parang normal sa kanya ang pagsisinungaling. Pinasok na po ng mga kasamahan niya ang lugar namin sa kanyang paguutos at pinatayuan na po nang bahay ang mga bakanteng lugar na pagmamayari ng aking namayapang ama, pati yung mais na naitanim namin ay hinarvest na nang mga taong ito, pati pangsugnod o kahoy na panggatong namin na inipon ng aking ina ay kinuha rin nila. Hinabol din po ng taga ang nanay at kapatid ko dahil sa pagvideo sa ginagawa ng mga kasamahan ni PO3 Glen Sealmoy. Nahihirapan po kami na iakyat sa kinauukulan ang isyu dito kasi yung sitio chairman naman din kasi dito ay asawa ni PO3 Sealmoy Kaya naghaharian sila. Matunog na din yung pangalan niya sa pangunguha nang lupa dito sa Lake Sebu. Tila walang magawa ang ibang kasamahan niyang mga pulis sa kanya kasi taga rito siya at medyo matagal na din ito sa serbisyo dito sa Lake Sebu Police Station. Sana maaksiyonan po agad ng mga nakatataas para matanggal sa lugar namin at matanggal sa serbisyo ang ganitong abusadong mga pulis. Hindi siya karapatdapat na maging law-enforcer. Law breaker po siya at mapang-api. Tulungan niyo po kami na mashare at maikalat po itong video at para matulunganan at mahinto na ang Gawain ng pulis na ito sa lugar naming. Sana makarating na rin kay PNP Gen. Oscar Albayalde at kay Presidente Duterte bago po may mapatay pa sa amin. Wala po kaming laban sa kanya. Na-occupy na po nila ng mga kubo ang lupa namin hanggang sa may harapan ng bahay namin at dun po sila nag-iinuman, silang mga lalaki at nagbabanta hanggang minsan buong gabi. Tulong po ni President Duterte. Salamat po.

Posted by Jean Katin on Thursday, December 13, 2018

Posted by Jean Katin on Thursday, December 13, 2018

P03 GLEN SEALMOY! HUWAG TULARAN!! Pulis sa LAKE SEBU SOUTH COTABATO nang aagaw NANG LUPA AT NANGHAHARAS SA PAMAMAGITAN…

Posted by Jean Katin on Thursday, December 13, 2018

Ito nman ang komento ng mga kababayan natin tungkol sa balitang ito.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *