Pulis na Nagtangkang Sa-Salvage ng Menor De Edad, Ginisa ni NCRPO General Eleazar

Ginisa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director General Guillermo Eleazar ang isang pulis na sinumbong sa programang “BITAG” ni Ben Tulfo.

Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL
Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL

Ayon sa salaysay ng ina ng menor de edad, napadaan daw ang pulis na lasing sa pinagtatambayan ng kanyang anak kasama ang mga kaibigan. Sinita raw sila ng pulis dahil naiingayan ito.

Bigla na lang raw ito nanutok ng baril sa mga bata. Ang mga bata naman raw ay nagtakbuhan, minalas umano ang kanyang anak at siya ang nadampot ng pulis. Dito na raw binugbog ng pulis ang kanyang anak.

Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL
Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL
Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL
Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL
Screenshot photo via: BITAG OFFICIAL

Ayon naman sa menor de edad, sinabihan raw siya ng pulis na salot raw siya lipunan kaya isa-salvage siya nito. Mabuti na raw may sundalong naki-alam at umawat sa pulis.

Agad naman naman tinutulungan ni Ben Tulfo ang mag-ina at naiharap kay General Guillermo Eleazar ang nasabing pulis na nakilalang si PO1 Redimar Bersales. Dito na nasirmunan ng husto ang pulis at ginisa ni NCRPO General Eleazar.

Mangiyak-ngiyak naman ang ina ng menor de edad ng magharap-harap sila ng pulis.

Panoorin ang Video:

Reaksyon ng mga Netizens

Ito naman ang naging reaksyon ng mga Netizens na mga youtube user.

SOURCE: BITAG OFFICIAL

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *