Raffy Tulfo, May Banat na Mensahe kay ‘Chinese Taho Girl’

Noong nakaraang sabado, nagviral ang isang dalawampu’t dalawang taong gulang na Chinese student nang makaalitan niya ang isang Police officer sa isang istasyon ng MRT3 at sa init ng ulo niya sinabuyan pa niya ito ng taho na iniinom niya.

Insidente

Sinasabing nasa turnstile na daw ang babae nang pinatigil siya ni PO1 WIlliam Cristobal. Si Jial Zhang ay isang Chinese national na nagaaral dito sa Pilipinas. 

Saludo sila Idol Raffy Tulfo sa pasensyang ipinakita ni PO1 Cristobal. Dahil kung iba raw yan ay marahil sinaktan pa. Pinasalamatan siya sa paggawa ng tama, at sa pagaresto sa babae sa tamang paraan.

Deportation

Kaninang umaga lang lumabas ang isang video kung saan makikita na nagwawala si Zhang nang sinusubukan siyang kunin ng mga otoridad upang dalhin na sa deportation center. Ngunit kahit anong sigaw niya at kahit anong pagpupumiglas niya, kinuha parin siya.

Nagsisigaw at nagpapatulong sa abogado niya si Zhang, itong abogado naman ay nagsusumigaw na illegal daw ang ginagawa sa kliyente niya. Kahit ano pa man, sa bandang huli ay naisakay pa din si Zhang sa service papuntang Pasay.

Bureau of Immigration

Sa panayam ni Raffy Tulfo sa Bureau of Immigration, pinasalamatan niya ito dahil sa tamang proseso na ginawa. Ayon sakanya, kahit papaano daw ay nakaganti na tayo sa mga ibang Chinese nationals na hindi marunong rumespeto sa mga Pilipino at sa mismong Pilipinas.

Ayon sa ahensya, sa ngayon raw ay nasa deportation center na sa Pasay si Zhang at naghihintay nalang ng hatol mula sa board of directors kung siya ba ay ipapadeport o bibigyan pa ng isa pang pagkakataon.

Paalala

Nagpaalala rin sila sa publiko na ang mga banyaga na hindi marunong rumespeto ay pedeng ireklamo sa kinauukulan. Kahiit pa ito ay employer o mayaman dito, kung hindi sila Pilipino kailangan respetuhin nila ang lahat ng batas at lahat ng tao sa Pilipinas.

Panoorin ang Video:

Ito naman ang komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *