Re-electionist Senator Bam Aquino, Pasok sa Top 12 sa latest partial!

Sa pinaka-latest na update sa senatorial race kagabi ng 9:33 pm ay nakapasok sa Top 12 si Re-electionist senator Paolo Benigno “Bam” 

Aquino. Ito ay base sa official tally na isinagawa ng National Board of Canvassers na binubuo ng COMELEC chairmans and commissioners. 

Pasok Sa Top 12 

Nakakuha ng 11,001,047 na boto si Aquino na syang nakapag-qualify sa kanya na makapasok sa Top 12. Sa mga naunang canvassing ng COMELEC noong Martes ay pasok ang pangalan nito sa listahan ng Top 12 ngunit lumagapak sa 13th spot noong Miyerkules. 

Winning Race 

Sina senator Cynthia Villar at Grace Poe naman ay tuluyang namamayagpag sa kanilang pwesto bilang Top at Top 2. Kasunod nito ay sina dating Special Assistant to the President na si Christopher “Bong” Go, Pia Cayetano, at Ronald “Bato” Dela Rosa. Ang iba pang nasa listahan ay sina Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, at Nancy Binay. 

Agawan Sa Huling Pwesto 

Laglag naman sa 13th spot ang kontrobersyal na si Bong Revilla na sinundan naman ng magkapatid na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada. Ang partial and unofficial results na ibinalita kagabi ay base sa 107 na electronically transmitted CoCs galing sa ibang panig ng bansa at sa abroad. Huwebes ng gabi ay nakapagtala na ng 127 CoCs out of 167  na naisumite na sa COMELEC. 2/3 na ng kabuuang resulta ang nailalabas ng ahensya at inaasahang ngayong linggo ay lalabas na ang pinal na desisyon ng taumbayan sa halalan.

Discrepancies Sa Bilangan 

Ayon sa balita ng GMA News, sa gitna ng canvassing ay nakapagtala ng iilang discrepancies ang tabulation at audit group mula sa mga bansang Dhaka, Bangladesh; Cairo, Egypt; Jakarta, Indonesia; Dili, Timor Leste, at The Hague, Netherlands. Naiayos naman ang minor discrepancies kalaunan.

Komento Ng Netizens 

Hati naman ang mga opinyon ng netizens ukol sa pagpasok ng pangalan ni Bam sa Top 12. Ang iba ay umaasang tuluyang mapako sa pangalan ni Bam ang huling spot habang ang iba naman ay nagsasabing hindi pa tapos ang bilangan kaya huwag munang umasa. Ang iba ay hindi pabor sa pagkakapasok ng kaisa-isang oposisyon sa Top 12. Ang iba naman ay nagpapasalamat sa mga nagawa ni Bam bilang isang senador na kung saan ay higit na nakatanggap ng nagawang batas ay mga kabataan dulot ng free tuition fee act. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *