Seaman na Blinock ang mga Anak para sa 2 Kabit, Inirereklamo ni Misis

Isang seaman na maraming girlfriends ang nasa delikadong sitwasyon ngayon matapos lumapit ang kanyang tunay na misis kay idol Raffy Tulfo upang humingi ng tulong dahil sa pagtigil nito ng suporta sa mga anak. Wala ng planong makipagbalikan pa ng legal wife sa dating asawa ngunit ang karapatan ng kanyang mga anak ang kanyang ipinaglalaban.

Nakalbo Na Sa Pambababae

Dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo si Rogelia Pavia upang ireklamo ang mister niyang seaman na umuwi sa bansa nitong Pebrero ngunit hindi man lang binigay ang napagusapang sustento ng mga anak. Sa halip, siya ay nagpapakasaya kapiling ang kanyang mga girlfriends.

Ayon kay Pavia, nagsawa na umano siya sa sobrang pambababae ng mister kung kaya’t naghiwalay na sila. Biro pa niya ay nakalbo na ang mister sa sobrang pambababae nito. Ang kanyang ipinaglalaban ay ang karapatan ng kanyang mga anak. Hindi nakapagbayad ng tuition ang mga anak sapagkat hindi siya nagpadala simula nuong Pebrero, iyon pala ay umuwi na siya ng bansa.

2 Ang Girlfriends

Ayon sa legal wife, 2 ang girlfriends ng kanyang mister. Si girlfriend number 1 ay ang kanyang unang kinakasama ng maghiwalay sila at ang naghatid sa mister niya sa airport ng umalis ito nuong Setyembre 2018, ngunit nalaman niya na may girlfriend # 2 din ito na kaibigan din ni GF # 1.

Sa ngayon daw ay nagaaway away ang 2 girlfriends ni mister dahil tila nagaahasan sila. Ikinikwento ito ni rogelia na tila natatawa at walang bahid ng kirot sa damdamin niya. Marahil ay tuluyan na siyang naka move-on sa mister at ang mga bata na lang ang inaalala niya.

Karapatan Ng Pamilya

Sinabi ni Raffy Tulfo na tutulungan niya si Rogelia Pavia na makamit ang hinihinging karapatan at sustento para sa mga anak. Dahil may mga pinirmahan na silang kasunduan sa korte, dapat ay bigyang halaga ito ng mister at sundin kung anuman ang nasa kasunduan.

Kung magmamatigas daw ang kanyang dating asawa ay mapipilitan din siyang sampahan ito ng kasong concubinage. Hindi niya na daw ipinaglalaban ang karapatan niya bilang asawa, ngunit kung pati ang karapatan ng kanyang mga anak ay hindi nito ibibigay, hindi siya magdadalawang- isip na sampahan ito ng kaso.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *