Si Ateng Tumayo sa Parking Slot Upang Magreserba ng Space, Binatikos

Inulan ng batikos ang babaeng nakuhaan sa viral video nang tumayo ito sa isang parking slot sa isang mall upang magreserba ng espasyo para sa kanilang parating pa lamang na kotse. Aniya ay nagawa ito ni ate dhail naligaw ng napasukan na entrance ang kanilang driver. 

Viral Video 

Trending sa social media ngayon ang video na pinost ng netizen na si Mary Grace D. Holdermann sa Facebook. Ipinapakita rito ang isang babae na nagrereserba ng parking slot sa diumano ay naligaw na driver ng kanilang sasakyan. Ang ganitong gawain ay hindi pinahihintulutan sa kahit anong establisyemento dahil sinusunod ang first come first served basis. 

Magbigayan 

Marami ang nainis at nagalit na netizen sa tinuran ng viral na ate girl. Anila ay mali ang ginagawa nito at tila nakipagtalo pa at nangatwiran ng mali. Naging tampulan din ng biro ng mga netizen ang dalaga. Anila ay dapat alam umano nila ang patakaran at pagrespeto sa mga regulasyon. Marami rin naman ang nagkomento ng pagkainis dahil sa diumano hindi pgbibigayan ng dalawang partido. Parehong kinastigo ng mga netizen ang dalawang babae at iginiit na magbigayan na lamang dapat. Anila ay napakababaw ng pinag-aawayan ng dalawa. 

No choice umano ang driver nila ate girl na maghanap ng ibang parking dahil sa โ€œfirst come first servedโ€ na alituntunin sa kahit saang establishment. 

Insidente sa Parking Slot 

Pahayag ng video uploader,

“Sskyan ata tingin nya s srili nya at nauna na dw xa dun, ung sskyan nya umiikot pa…at ssbhin kmi dw mali, kmi dw mghanap ng parking slot!”

Namagitan na si Kuya Guard 

Makikita sa babae na tinatawagan ang driver ng kanilang sasakyan upang maireserba ang parking slot. Sa kabilang banda ay nagtawag naman si Holdermann ng security guard na syang namagitan sa dalawa. At dahil hindi pinahihintulutan ang pagrereserba ng parking slot, pinaalis ang babae at mga kasama nito na hanggang makaalis ay nagpapahayag ng inis at galit bunsod ng sitwasyon. Ganunman, hindi naging madali ang pagkumbinsi ni kuya guard na paalisin ang tatlong babae na nagrereserba ng slot.

Sa huli ay nakapag-park na ang netizen uploader at napaalis na si Ate girl at mga kasama nito.ย 

Wag na wag tutularan c Ate nkakaloka…๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Ang siste:Sskyan ata tingin nya s srili nya at nauna na dw xa dun, ung sskyan nya umiikot pa…at ssbhin kmi dw mali, kmi dw mghanap ng parking slot! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Ilang minuto na xa jn, ngtwag pko ng security sa entrance pra mgpaassist nnjn prin xa. At wla prin sskyan nila ayan tintwagan nya pa kung nsan na๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Ngvideo ako kc nkikita ko xa ngvvideo, ts ttwag ts mgvvideo kya ayan mgvideohan kmi…abangan nyu ako sa fb world pasisikatin nya ata ako, naku di pa nmn ako mxdo ngayos nyan kc ksama ko s sskyan mga anak ko,ngaasikaso ako sa loob sna ok itsura ko sa video mo..nyahahaha๐Ÿ˜‚Anyway, bumaba ako kc umaatras na kmi ayw nya umalis sbay sbi nya cge subukan nyu ako sagasaan..subukan nyu…e umaatras kmi ayw nya umalis ts ssgasaan n dw xa..gagawa pa ng kwento nkakaloka tlga…๐Ÿ˜‚Ung guard nmn nkatingin lng sknya ts sbhin paalisin dw kming dlwa, kung hndi mgbbigayan, isa pa 2ng c Kuyang guard hndi iimplement ung tama. Bwct din e!Pero buti nlng sa huli cnbi nya na ang mali tlga ung babae kc hndi pwede gnun, kya naisip nlang umalis sbay sbi cla dw nkakaintindi at hndi dw kmi kya cla nlng paabuya…hahaha boset… Yaw ko na sa earth…kmi pa hndi nkakaintindi๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Nsan kya mga isip nila at naiisip nlang tamang tama yang gnwa nung babae na ipark ang srili nya at sbhin reserve na un sknya…nkakaloka tlga juskow mga ate kht umabot pa tau sa pluto wlang gnyang patakaran sa mundo๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Kht 24hrs kpang nkatayo jan ate kung wla ung sskyan mo wla kng karapatang harangan ang mga mgpapark jan, kc sskyan ang pinapark jn hndi tao๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Ung mga tao sa paligid tinatwanan na xa…nsbihan pa 2loy xang row4 ni manong na nkatayo sa gilid…kulet e hahaha๐Ÿ˜‚

Posted by Mary Grace D. Holdermann on Thursday, April 11, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *