Sigaw Ng Netizens, Bam Aquino, Credit Grabber Sa Paggamit ng Litrato Ng Boracay at Pasig River Para sa Eleksyon

Anim na buwan na ang nakararaan nang iutos na ipasara ng Presidente Rodrigo Duterte ang Boracay upang idaan ito sa rehabilitasyon at ibalik ang tunay na ganda ng isla. Hindi naging madali ang proseso at pagtanggap ng mga tao ukol sa balita. Marami ang nagsakripisyo sa nasabing programa higit man sa mga nagtratrabaho sa Boracay. Maraming pulitiko din ang nagpahayag ng pagsalungat sa programang ito, lalo na ang mga nagmumula sa oposisyon.

Ang Boracay ngayon

Ganunman, heto ngayon ang Boracay at malapit nang buksan para sa mga turista. Ngayon ay mas maganda at malinis na ang isla. Maging ang mga batas ay sya ring hinigpitan upang mapanatili ang natural na ganda nito.

Mga pagsalungat ng mga pulitiko sa Boracay rehabilitation

Maraming pulitiko man ang sumakay sa bugso ng isyu ng pagpapasara ng Boracay, marami rin ngayon ang sumasakay sa bagong mukha nito. Katulad na lamang ng kontrobersyal na Facebook post ni Bam Aquino nitong nakaraan lamang. Noong Abril, tahasang sinabi ni Bam ang nga katagang,

“Huwag pahirapan ang mga Pilipino kung wala pang malinaw na plano.”

Boracay, Pasig river, at si Bam

Makaraan ang 6 na buwan, tila tameme diumano ang senador sa resulta ng programang rehabilitasyon ng isla ng Boracay. Mula sa isang post ng Bam Aquino Facebook page, hinimok nito ang mga Pilipino na suportahan ang Partido Liberal sa darating na eleksyon, nang sa gayon ay mas maalagaan ang Boracay at ang Pasig River na kamakailan lang ay nakatanggap ng award ukol sa bagong bihis ng Pasig river na ngayon ay malinis na. Ang post ay pinukulan ng maraming kritiko ng LP kaya naman tinanggal na ito.

UPDATE: (Post already deleted by Bam Aquino in his Facebook Page)Sen. Bam Aquino hinimok ang mga Pilipino na…

Posted by DU30 MEDIA Network on Thursday, October 18, 2018

Credit grabber

Galit naman ang namayagpag sa mga netizen nang ibalik ng mga ito ang mga pahayag ng senador noong hindi pa naipasasara ang Boracay. Ang nasabing post diumano ni Bam Aquino ay isang tahasang pag-angkin ng senador sa magandang nagawa ni Duterte. Tinawag ng marami na “credit grabber” ang senador kahit wala man lamang itong naitulong sa pagpapaganda at pagpapasaayos ng isla. Dagdag pa, sinasabi ng ilang netizen na ang Pasig river ay hindi man lamang tinuunan ng pansin noong panahon ni Aquino. Marami ang nagalit, nagpuyos, at nainis sa nasabing post.

Noong nagsara ang Boracay, todo epal si Bam Aquino, maka-kontra lang. Six months later, tameme. #Mema

Posted by Thinking Pinoy on Thursday, October 18, 2018

Sa kabila ng tahasang pagkontra sa mga gawain ng Duterte administrasyon, nagagawa pa umano ng senador na sumabay sa mga magagandang natatamo nito.

Ito naman ang ilang naging reaksyon ng mga kababayan natin tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *