Spox. Roque, Binanatan ng Husto si UN chief Zeid Ra’ad Al Hussein

Hindi rin pinalampas ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nakaka-insultong pahayag ni UN chief Zeid Ra’ad Al Hussein laban kay pangulong Duterte.

Ayon pa sa Presidential Spokesperson, ganun umano ang pananalita ni Zeid Ra’ad Al Hussein dahil sa kawalan ng demokrasya ang sariling bansa nito, ang Jordan.

“I will however state that perhaps, the UN High Commissioner’s language is because of the fact that they do not have democracy in his home state of Jordan.”

Roque
Photo from: JOAN BONDOC / Philippine Daily Inquirer

Pagbubunyag pa ni Roque, ang presidente umano ng Jordan ay hindi binoto ng mga tao na hindi tulad sa atin na taumbayan ang naglagay kay pangulong Duterte sa Malacañang para maging ika-16th pangulong ng Pilipinas.

“Jordan leader is not elected unlike our president.. And so my message to High Commissioner’s is we respect our president in this country because we give him democratic mandate to lead.”

Harry Roque
Photo from: Presidential Photos (Harry Roque)

Dagdag pa ni Roque na sana ay igalang niya ang demokrasyang bansa tulad ng Pilipinas. Ang nakaka-insultong pananalita rin umano ni Zeid Ra’ad Al Hussein sa Pilipinas at sa mga Filipino ay nakaka-apekto sa ibang bansang demokrasya.

“I would hope that although you do not have the same democratic system in your home country of Jordan, you will respect the kind of democracy that we have in the Philippines,”

“Your language was not just an insult to the Philippines and the Filipino people, it is an insult to all countries who have democratically elected their heads of state.”

Hindi lang si Roque ang bumanat at umalma sa bastos na pahayag ni UN chief Zeid Ra’ad Al Hussein laban sa pangulo, pati rin ang ilang senador tulad ni Ping Lacson.

Sa naging pahayag ni Lacson, kanya rin kinondena ang nakaka-insultong pahayag ng UN High Commissioner’s.

Buong pahayag ni Lacson:

“Coming from a high official of the United Nations, mukhang uncalled for, mukhang hindi nararapat lalo’t sa kaniya nanggaling. Diba dapat medyo mataas yung level niya, lalo na’t sa edukasyon, sa demeanor at lahat?”

“Mahigit labing-anim na milyon ang bumoto kay Pangulong Duterte at ‘yun ay bahagi ng ating demokrasya. Para mainsulto ng isang hindi naman natin kababayan, sa akin parang hindi nararapat.”

“Kung sa tingin nila ay pambabastos yung ginawa ng pangulo, at marami sa atin ganun din ang pananaw, e bakit naman nila gagawin yung sa tingin nila ay maling pananalita? Saan sila lulugar nun?”

“Sinasabi nila mali. Pero sinasabi rin ba nilang tama yung pang-iinsultong ginagawa ng pangulo kasi ganun din ang ginawa niya?”

SOURCE: GMA News | Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *