Suntukan ng 2 Lider ng Motor Community, Nag-mala MMA sa Marikina Kagabi!

Patok na patok ngayon sa mga kalalakihan ang pagkakaron ng motor. Sa limitadong mga bagay na kinahihiligan ng mga lalaki maliban sa paglalaro ng mga video game, isang libangan para sa mga ito ang sumali sa mga grupo o organisasyon na binubuo ng mga lalaking nagmamaneho ng motor.

Motor riders association

Madalas natin silang makikita na sabay sabay na nagmamaneho na kadalasan ay tungo sa malalayong probinsya. Hindi lamang ito ordinaryong grupo na may mga sangay sa iba’t ibang siyudad bagkus may direksyon ito at may layunin. Karamihan sa mga prestihiyosong grupong mga ito ay kadalasan nagsasagawa ng mga charity mission para sa mga ordinaryong mamayan. Tulad ng tipikal na organisasyon, mayroon ding presidente o lider ang mga grupong ito na syang nag-uugnay sa buong samahan at tinitingala ng nakararami.

Away ng mga lider ng motor community

Isang video naman ang inupload ng isang Facebook netizen na si Romeo Dongaran David na kung saan ay makikita ang away o suntukan ng dalawang presidente ng isa sa mga malalaking samahan ng mga motor riders. Ang dalawang grupo ay sinasabing sina Nick Fuentes ng RG Community at Yob Bolanos ng Motorcycle Rights Organization o kilala bilang MRO. Umabot sa higit 5 minuto ang paghaharap ng dalawang lider. Bagaman hindi man naging mala-basagan ng mukha ang laban ng dalawa ay naging marubdob naman ang away ng dalawa.

Hiyawan ng mga tao sa paligid

Sa video naman ay maririnig ang walang humpay na hiyawan ng mga myembro at mga nanonood sa eksena. Ang pinangyarihan ay tila sa isang maluwag na lugar ng isang istasyon ng gas. Ayon sa mga komento, ito ay sa bandang Marikina, Ferlane at nangyari bandang alas-8 ng gabi.

Komento ng mga netizen

Sari-saring komento naman ang ipinahayag ng mga netizen. Ayon sa iba, dismayado ang mga ito dahil mala-away bata ang nangyari at hindi dapat ginagawa ng mga lider na syang tinitingala bilang mga propesyonal na tao. May isang nagtanong kung ano ang puno at dulo ng mga pangyayari, ngunit ayon sa nag-upload na si Romeo ay naglalabasan lang umano ang mga ito ng sama ng loob. Ang video ay viral na at mahigit na anim na libong share at nasa tatlong libong likes na ang nakuha nito.

Suntukan ng dalawang leader ng grupoRG VS MRO(RG) Nick fuentes VS (MRO) yob Bolanos

Posted by Romeo Dongaran David on Thursday, November 8, 2018

Ito ang mga ilang komento ng mga netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *