Tatay, Itinakas ang Bangk4y ng 2-anyos na Anak Dahil Walang Pambayad sa Ospital

Isang ama ang itinakbo ang anak mula sa ospital dahil sa kawalan ng pambayad rito. Dalawang araw ang paghihirap na dinan4s ng 2 taong gulang na bata dahil sa pagsusuka at pagdumi.

Tinakas Mula Sa Ospital 

Ayon sa amang si Marlon De Leon, wala itong pambayad sa pagpapa-embalsamo sa kanyang anak kaya minabuti nito na itakas abg anak mula sa pagamutang bayan sa Malabon na pinagdalhan sa bata. Nakita ang ama na nakasalampak sa kalsada at halukipkup ang bangk4y ng kanyang anak na si Kevin na nakabalot ng pula na tela. Base sa report ng GMA, dinala ni Marlon ang anak matapos ang pagsusuka at pagdumi nito sa loob ng dalawang araw.

Pagbabahagi ni De Leon,

“Masakitin po siya eh, dinala ko sa ospital eh, tapos pagdating sa ospital, sabi ng doktor, di na puwedeng mabubuhay siya, mapat4y na lang siya, tapos dinala sa morgue, tinakas ko na lang siya.”

Pahayag ng Doktor 

Ganunpaman, iba naman ang pahayag ng attending physician na tumingin sa bata. Giit nito, dE4D on arrival na ang bata nang dalhin ito ng tatay sa ospital. Sinubok pa umano ng ospital na marevive ang bata ngunit binawi4n na ito ng buhay bunsod ng malnutrisyon at dehydration.

Tulong Mula Sa Good Samaritan 

Sakto naman na ang tatay na si Marlon ay nakitang nakahalukipkip sa anak na wala nang buhay sa tapat ng Missionaries of Charity na kung saan ay nabigyan sya ng tulong. Nakatanggap naman ang ama ng tulong mula kay Isko Moreno na syang sumagot sa pagpapalibing sa bata. 

Pakikiramay 

Lungkot at panghihinayang naman ang pahayag ng mga netizen nang mabalitaan ang sinapit ng 2-anyos na bata at ng tatay nito.

Anila ay nakakadurog ng puso ang kinahinatnan ng bata. Ang iba ay puno ng paghihinayang na kung saan ay disin sana nadala agad ang bata sa ospital ay baka nakaligtas pa ito sa s4kit.

Puno din ng pakikiramay ang mga netizen sa bata na ngayon ay anghel na sa piling na nakatataas. Nagpabatid din sila ng pakikiramay sa tatay na si Marlon na syang nasa mahirap na sitwasyon sa buhay ngayon. Hangad nila na sana ay malampasan nito ang pagsubok.

Ama, itinakas ang bangkay ng anak mula sa ospital dahil walang pambayad ng pang-embalsamo

Ama, itinakas ang bangkay ng anak mula sa ospital dahil walang pambayad ng pang-embalsamo

Posted by LangHiyaa on Monday, March 11, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *