Tatlong Taong Gulang Na Bata, Nakaligtas sa Kamay ng Isang K!dnapper Matapos Masagip ng Kanyang Ama; Babaeng K!dnapper, Timbog

Tila laganap na naman ang balita ukol sa mga batang kinukuha o kinik1dnap ng mga sindikato. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat at tumatak na din sa mga Pinoy ang puting van na sinasabing ginagamit para makapangdakip ng mga bata o menor de edad.

K1dnapper Ng Mga Bata 

Kamakailan lang sa Sta. Ana Maynila ay naaresto ang isang ginang na nahuling nagtatangkang k1dnapin ang isang bata mula sa kanilang bahay sa Dagonoy Street, San Andres Bukid, Maynila. 

Ayon sa ama ng tatlong taong gulang na biktima, bumibili ang suspek sa kanilang tindahan ngunit hindi ito nagbayad. Binunsan nito ang pinto at sapilitang dinadagit ang kanyang anak. Ang ama na nasa ikalawang palapag ng bahay ay naalerto nang marinig ang malakas na palahaw ng iyak ng kanyang anak, dahilan upang agad nitong makita ang paghatak at pagtakas ng suspek sa kanyang anak. Hinabol nito ang suspek at naagaw ang bata. 

Pagkakakilanlan Ng Mandurukot Ng Bata 

Mula naman sa impormasyon ng Sta. Ana Police Station, nangyari ang insidente bandang 730 pm nitong Sabado. Nagawa pang makatakas ng suspek, makatakbo sa isang bahay at magpalit ng damit. Ngunit dito na din siya nahuli ng mga otoridad. Ang suspek ay kinilalang si Charito Fernandez, 45 taong gulang na mula sa San Carlos City, Pangasinan. 

Posibleng Miyembro Ng Isang Sindikato 

Napag-alaman ng mga pulis na si Fernandez at ang litrato ng taong kumalat sa social media na nanghahatak ng bata ay iisa. Ang balitang ito ay pumutok noong Marso 2018. Pagbibigay impormasyon pa ng Police Superintendent na si Albert Barot, inamin diumano ng suspek na dinadala nito sa isang puting van ang mga nadudukot na menor de edad kapalit ng 20,000 piso. Sa interview naman ng media sa suspek ay tila paiba-iba ang salaysay nito at sinasabing wala pa itong nakukuhang menor de edad at inamin din nito na mah kausap itong grupo ng sindikato. 

Ganunpaman, inaalam pa din ng kapulisan kung talaga bang miyembro ng isang sindikato si Fernandez. Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ito ng Station Investigation Section. Nahaharap din ito sa kasong attempted k1dnapping.

Ang biktima naman ay dadaan sa mga check-up dulot ng trauma na dinulot ng suspek. 

Palaging bantayan ang mga bata sa inyong bahay, mga Kapuso!Isang batang tatlong taong gulang ang dinukot mula sa…

Posted by GMA News on Saturday, January 5, 2019

Source: GMA News

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *