Teddy Boy Locsin Isinisi sa mga Yellow ang “Passport Fraud”

Naging usap-usapin nitong mga nakaraang araw ang “identity theft” na nangyari sa ilalim ng administrasyong Aquino na passport fraud na naging dahilan ng malawakang pagkawala ng mga datos ng mga aplikante.

Sa kabilang dako, si Foreign Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin naman ay ibinaling ang sisi sa nakaraang administrasyon at sinabi na ito ay sinadya.

Atake sa Twitter

Sa magkasunod sunod na Tweets mula kay Locsin nitong January 12, ikinwento ni niya kung papaanong nagsimula ang problema sa Department of Foreign Affairs noong administrasyon ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo, ito naman ay lalong lumala noong naupo na ang kasunod niyang si Noynoy Aquino.

“The problem started under GMA’s DFA and got worse under PNoy’s DFA. It will be solved by PRRD’s DFA under Locsin. The Yellow crowd who perpetrated the passport fraud are in a panic because we are gonna autopsy their crooked deal. Period,”

Otopsiya

Dagdag pa nito, ay iiimbestigahan daw niya ang data mess na ito. Nariyan ang io-otopsiya pa raw niya ng buhay ang kung sino mang may pakana nitong gulo na ito.

“l will autopsy the Yellows who did the passport deal alive. This is called evisceration,”

Pagbubunyag

Hinggil sa naturang isyu, ibinunyag ng DFA Secretary na ang dating contractor umano ng Philippine Passports ay tumakbo dala dala ang mga impormasyon ng mga aplikante. Ito ay matapos umano siyang “mapika” sa pagkakaterminate ng kontrata nila ng gobryeno.

Ito ang sinasabi ni Locsin na sinadya raw umano ng Aquino administration na i-“fixer” ang mga passport.

Sa isang text message naman sa Rappler, sinabi ng dating foreign secretary sa ilalim ni Aquino na hindi muna raw siya magcocomment sa “early findings” ni Locsin.

“I have a high measure of respect for Secretary Locsin’s judgment so I will refuse to comment on his early findings concerning the passport challenges,”

“I know that, sooner than later, our SFA will be successful in correcting the current passport problems to the total satisfaction of all our people,”

TOP STORY: 'l will autopsy the Yellows who did the passport deal alive,' says Foreign Secretary Teodoro 'Teddyboy' Locsin Jr. #PHNews

Posted by Rappler on Saturday, January 12, 2019

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *