Titang Palaban, Ipinost ang Video ng PambuBuIIy sa Pamangkin Niya

Isa nanamang kaso ng pangbu-bU!!y ang umiikot ngayon sa social media. Mabilis na kumalat ang video, wala pang anim na oras na nakapost, umabot na ng lagpas anim na libo ang share at lagpas 100k ang views.

School bUllies

Sa video na ipinost ng Facebook user na si Liezl Yparroza, makikita ang isang batang lalaki na pinagkakaisahan at pinagsusuntok pa ng mga kaklase niya. Makikita rin na ngumingiti pa sa camera ang isa sa mga nambubu!!y.

Hindi lumalaban ang bata at nanatili lang na nakaupo. Gayumpaman, tuloy padin ang pagsuntok at pambu!!y ng mga kaklase niya sakanya. Kalaunan hindi na niya napigilan umiyak. Pero tuloy padin ang mga kaklase.

Hustisya

Ayon sa post ni Liezl, pamangkin niya raw ang batang binubu!!y. Bukas, Lunes maguusap na raw ang magulang ng bata pati ang school head. Subalit nabanggit na din ni Liezl na ilang beses na itong naulit. Dati daw ay promisory note at sorry lang ang inaabot ng mga bu!!y sa batang binully pati na din sa magulang nito.

Sa katunayan nga, imbes na maayos na sorry ang ibigay nila, ay nambabastos pa daw ang mga ito.

Paglaban

Ayon sa caption ni Liezl, marami na daw ang nagPM sakanya upang burahin ang post niya, isipin daw naman niya ang magiging epekto nito sa pamangkin niya sa hinaharap, pati na din sa mga batang bu!!y.

Ayon sakanya, hindi niya tatanggalin ang post dahil ito ang paraan nila upang lumaban. Pagod na raw sila na puro sorry lamang ang nakakamit matapos mabu!!y ang kanyang pamangkin.

Pulso ng netizens

Marami naman sa netizens ang sumangayon sakanya. Ayon sakanila hindi na daw uso ang tamang proseso dahil sila na nga ang naagrabyado, bakit sila pa ang dapat pumunta kung saan saan. Minsan daw talaga mas dapat ilabas sa media ang ganitong bagay upang makagalaw agad ang hustisya.

"Sa mga nakikialam ipabura tong pagbubully s pamangkin ko…bakit kailangn nyo ireport at ipabura!?pag mga kabastusan ok lang!?papanuorin nyo ikakalat nyo….hustisya ang hanap namin dto hindi gaya nyo n makikitid ang utak umintindi….kau ang walang puso sa bata…."Courtesy: Liezl Yparroza Yaput

Posted by Benjamin Totanes on Saturday, April 20, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *