Traffic Enforcer, Pinatigil at Sinita Ang Ambulansya; Pasyenteng Sakay, Pumanaw

Galit na galit ang netizens sa viral video na kung saan ay pinababa ng isang traffic enforcer ang drayber ng ambulansya nang magcounterflow ito habang may lulan na pasyente at nahihirapan na diumano.

Viral Video 

Nangyari umano ang insidente sa Cagayan De Oro. Napabalitang kalaunan ay binawian na din ng buhay ang pasyente na sana ay madaling naisugod sa ospital. Ayon sa netizen na nag-upload ng nasabing viral video, kinuhaan pa ng ID ang driver ng ambulansya kahit na nakikita nito na nag-aagaw buhay na ang pasyente sa loob ng sasakyan. 

Saad ni Ardy Lira sa Facebook post nito, 

“NAKASAKAY KAMI SA AMBULANSYA NA MAY DALANG PASYENTE PARA DALHIN SA PROVINCIAL HOSPITAL NG MISAMIS ORIENTAL SA PAGSINGIT NG AMBULANSYA NAMIN BIGLANG SINAPAK NG ENFORCER NA ITO (ROADS AND TRAFFIC ADMINISTRATION – CDO) ANG AMBULANSYANG SINASAKYAN NAMIN NAKIPAGTALO PA ANG ENFORCER NA ITO SA DRIVER NAMIN AT KINUHANAN PA NG ID , KAHIT KITA NYANG HINIHINGAL NA ANG PASYENTENG KAILANGAN NAMIN MAHATID.” 

Imbis umano na bigyan ng daan ang emergency vehicle ay naging cause pa ng delay ang mismong traffic enforcer. Aniya, 

“GIVEN NAMAN NA SANA NA DAPAT MAG GIVE WAY SA EMERGENCY VEHICLES, BUT WHAT HAPPEN HERE IS MISMONG LAW ENFORCEMENT PERSONNEL PA ANG CAUSE OF DELAY,” sinulat ni Ardy Lira Cabuena sa Facebook. 

Traffic Enforcer  

Galit ang namutawi sa mga netizens nang mapanood ang video. Lubos ang pagkadismaya ng mga ito sa mismong enforcer na inaasahang mas nakakaalam ng batas. Na ang ambulansya ay hindi dapat dinedelay at sa lahat ng oras ay dapat pagbigyan sa daan. Sila ang diumano tinatawag na “King of the Road” na kapag ito ay dumating ay dapat na tumabi ang ibang sasakyan dahil emergency itong matatawag. 

Pumanaw na Pasyente

Lalo pa nakapagpagalit sa netizens ang balita na kalaunan ay naMaT₳y ang pasyente na lulan ng ambulansya. Para naman sa ibang netizen, mali din ang ginawa ng driver dahil dapat umano ay pinabayaan nalang umano nito ang enforcer at mas binigyan ng pagpapahalaga ang pasyente na dala nito. Dapat umano ay hindi ito bumaba at nakipag-argumento pa. 

Giit ng netizens, dapat ay matanggal sa serbisyo ang nasabing traffic enforcer dahil sa dinulot nito sa pasyente. At tila hindi nito alam ang batas sa daan. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *