Viral Chinese National, Huli Sa Video Na Nanlalaban Sa Mga Tauhan Ng Bureau of Immigration

Matapos ang paglabas ng larawan ng Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT Boni station noong Sabado, nag-viral naman ngayon ang kanyang video na kung saan ay napilitan ang Bureau of Immigration na kaladkarin ito mula sa presinto. Pagkatapos itong magpost ng kanyang bail sa Mandaluyong police station ay sinundo ito ng BI. Ngunit nagpumiglas ito at nagsisigaw na tinatawag ang kanyang abogado. 

Viral Video

Ang video ay mabilis na kumalat na kung saan ay nagpahayag ng samu’t saring komento ang mga netizen. Para sa marami, nararapat diumano mapaalis ang dalaga sa bansa dahil sa ginawa nitong paglapastangan sa batas. Bagaman marami din ang naawa at nadismaya sa paglaki ng isyu, nagpahayag ang ibang netizen na sana ay nabigyan ng ikalawang pagkakataon ang dalaga. Ngunit, wala na rin umano magagawa dahil kailangan sundin ang batas na ipinapatupad sa bansa. 

Pagmamakaawa 

Kamakailan ay nagmakaawa ang mga foster parent ni Zhang na bigyan ng isa pang pagkakataon ang dalaga. Patunay umano ito na mabuting tao ang dalaga at nasaktuhan lang na masama ang timpla nito noong Sabado. Inamin ng dalaga sa kanyang interview na masama ang mood nito noong araw ng insidente. At nagpapabatid ito ng paumanhin sa pulis na naagrabyado at sa taumbayan na din. Pahayag din nito, mahal nito ang bansa at ang mga Pilipino. 

Anim na taon nang naninirahan si Zhang sa bansa at kasalukuyang nag-aaral ng Fashion Design sa bansa. 

Nasermunan 

Nitong nagdaang Sabado ay matatandaang iniharap kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang Chinese national at nasermunan pa ito.

Ipinaintindi nito kung bakit kasalukuyang mataas at mahigpit ang segurida sa mga pampublikong sakayan bunsod ng pambobomba sa ibang panig ng bansa. 

Dagdag pa rito ay nagpahayag ang ibang pulitiko ng kanilang saloobin sa nangyaring insidente. Nakatakda naman na madeport ang dalaga sa kadahilanang undesirable alien status nito. 

Saludo 

Saludo naman ang PNP at binigyan ng parangal ang pulis na sinabuyan ng taho na si PO1 William Cristobal. Kinabiliban ito dahil sa maayos na pagharap nito sa sitwasyon at sa haba ng pasensya na ipinakita nito. Bagaman napatawad na umano nito ang dalaga ay batas na umano ang kahaharapin nito. 

Panoorin ang Video:

TENSYONADONG PAG-ARESTO

TENSYONADONG PAG-ARESTO | Nagpupumiglas at nagsisigaw pa ang babaeng Chinese na si Zhang Jiale nang hulihin ng Bureau of Immigration. Limang oras na nagkulong si Jiale sa kuwarto ng Mandaluyong police matapos magpiyansa kahapon dahil sa takot sa mga tauhan ng Immigration.Nasa kustodiya na ng BI si Jiale na inirekomendang ipa-deport dahil sa pagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT noong weekend. | via Gary de LeonFor more latest stories, visit us at www.news5.com.ph

Posted by News5 on Tuesday, February 12, 2019

Ito naman ang agaw pansin na komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *