Xian Gaza, Ibinuking ang Pagkatalo sa Sugal ng Founder ng Rigen Marketing

Nagbigay ng babala ang kilalang dating scammer na si Xian Gaza ukol sa isa na namang diumano investment company na tinatawag na RiGen marketing. 

Masamang Balita Sa Rigen Investors 

Ang maikling video na inupload ni Xian Gaza ay patungkol sa mga milyon-milyong investors ng RiGen marketing dahil aniya ay hindi na makakapag-payout ang mga ito. Bunsod nito ay ang pagkatalo sa casino ng founder na si Rigen. Naipatalo umano ang 42 milyon na investment ayon sa isang hindi ipinakilalang source. Ang dapat na pampa-payout sa mga investors ay may tinatayang nalimas na 94 million pesos o 218.9 BTC. 

Binuking Ang Pagkatalo Sa Sugal 

Partikular na din ang mensahe nito sa mga investors na umano ay mauuto nila at walang access sa social media mula sa mga bayan ng Digos at Tagum City sa Davao o iba pang karatig na syudad sa Mindanao. Naglabas din ng isang screenshot photo ng mensahe na ipinadala sakanya ukol sa pagkakatalo ni Rigen sa sugal. Kinumpirma nito na 150 milyong piso ang naipatalo ni Rigen bunsod ng pagkaalat sa sugal sa loob ng limang araw. Ayon pa rito ay tuliro at hindi alam ang gagawin dahil may outstanding payout ito na tinatayang nasa 300 milyong piso kaya naman panay ang pagdedelay na gagawin nito sa nakatakdang pag-payout ng mga investor nito. 

Nakatakdang Pag-exit Ni Rigen 

Dagdag pa ni Xian, ang mga huling investors na makukuhaan nila ang isasama umano ng Rigen marketing sa kanilang pag-exit sa loob ng buwan na ito. Aniya ay dalawang bagay lamang ang maaaring mangyari sa susunod na linggo. Una, maglaho na parang bula o mag-MIA o missing in action si Rigen. Pangalawa naman ay matapang na harapin ni Rigen at mga opisyal nito ang mga investors at abisuhan ang mga investors ng mga delaying tactics tulad ng system upgrade o may mga hinihintay pa umanong transfer. 

Galit na Netizens 

Dinumog ng galit na netizens ang post ng paghahatid ng masamang balita ni Xian Gaza. Aniya ay nagpapapansin lamang ito at nag-iingay upang sumunod ang umano investment scam na ito sa nangyari sa Kapa ministry. Banat pa ng galit na netizens ay ireport ang nasabing video upang mai-take down ng Facebook. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *